Serye nila ni Miguel, ngayong tapos na… Bianca, lantaran na kay Ruru, proud na kasama sa Japan
- Erlinda Rapadas
- Oct 5, 2019
- 1 min read

Ngayong tapos na ang Sahaya, nagagawa na ni Bianca Umali na mag-post ng kanyang larawan na hindi kasama ang ka-love team na si Miguel Tanfelix. Magagawa na niya ang magpakatotoo at huwag nang paasahin pa ang BiGuel fans na sumusuporta sa kanilang tambalan ni Miguel.
Sabi nga, mahirap ipilit ang anumang bagay kung wala nang nararamdaman. Hindi naman nila forever na maitatago sa mga tagahanga ang real score ng kanilang relasyon. Wala na ang dating “kilig” at spark ng BiGuel love team at ito ay dapat na ring tanggapin ng kanilang mga fans and supporters.
Pupuwede pa namang magkatrabaho sina Bianca at Miguel on a friendly basis. Hintayin na lang siguro na pareho na silang maka-move on sa kanilang paghihiwalay.
Hindi inililihim sa publiko ni Bianca na si Ruru Madrid ang kasama niya sa Japan nang siya ay magbakasyon. Ang irony lang, noong hindi pa sila break ni Miguel, trip to Japan for two ang iniregalo ng aktor kay Bianca noong birthday niya. Umasa si Miguel na silang dalawa ni Bianca ang mamamasyal na magkasama sa Japan.
Well, siguro nga, hindi si Bianca ang the one, ang meant to be na maging bahagi ng buhay ni Miguel na pangmatagalan. Someone out there ang nakalaan sa kanya. It’s time na magsolo-solo na rin ngayon sina Bianca at Miguel at ipareha sa iba. Mas makakabuti ito sa kanilang career.





Comments