Never again daw, Joshua… Julia, umaming nasagad kaya umayaw na
- Julie Bonifacio
- Oct 5, 2019
- 2 min read

Photo: @juliabarretto
After ni Claudia, ang “ate” naman niyang si Julia Barretto ay nagkaroon ng one-on-one tsikahan sa best friend niyang si Erich Gonzales. ‘Kaaliw ang usapan nila at may mga ini-reveal si Julia tungkol sa kanyang love life.
Una na rito ang plano niya na magpakasal bago umabot sa edad na 30. Pero meron daw siyang magkaibang thoughts about getting married.
“I want to get married before 30. Tapos, meron din akong isang pace na mas gusto ko na lang muna ng anak bago magpakasal. But, no judging. Don’t judge. ‘Coz sometimes, I don’t feel getting married. May mga times naman I believe in marriage. It depends really who I am surrounded with and by. Pero kung ikakasal ako, sana talaga before 30. Siguro, 22 ako ngayon, siguro mga, tama, mga six years from now, I really can marry.”
Dream daw talaga ni Julia ang maging ina.
Second, if true or false na puwede siyang makipagkaibigan muli sa kanyang ex-boyfriend(s), sagot niya, “Aww, true. True ako. Siguro, I don’t like carrying anger, bitterness or some angst towards somebody na minahal mo, na pinasaya rin naman ako, na inalagaan ako at inalagaan ko rin, at minahal ko rin.
“It’s just sad, ‘di ba?
“You meet somebody one day and then, they’ll come here everyday. And then, one day, magiging hindi na kayo. Parang it’s a sad thought to me. So, to me, parang protect the friendship that we are able to build.
“Ako, sa mga nali-link sa akin, ‘yung breakup naman is naging smooth siya, eh. And mine-make sure ko na smooth siya, ganyan. Ayokong nagke-carrry ng galit. Sa akin lang, siguro, ‘yung pagiging civil. Nakapag-carry ba kayo ng conversation na walang plastikan na nagaganap? Pero siguro nga, weird din ‘yung thought na parang... pero posible, eh.”
Third, if Julia is a heartbreaker?
“Wow! False,” sagot agad ni Julia kay Erich.
Pagkatapos, inulit pa ni Julia na false ang taguri sa kanya na heartbreaker.
“Eh, kasi, ‘yan parati ang tingin ng mga tao sa akin, ako ‘yung palaging nananakit. Well, in fact, ako ‘yung palaging nasasaktan.
“Ako, when I love, I love 100 percent with all my heart, with all my mind. Grabe po ako magmahal. Tapos, kahit na sinasaktan ako, forgive.
“Saka ano ako, (give) chance, ganyan. Pero lahat kasi ng tao, may sagad tayo, eh. May hangganan tayong lahat. Kaya minsan, ‘pag nasasaktan na ako, patuloy pa rin akong sinasaktan, sa akin na nanggagaling na, ‘Please, ‘wag mo akong sagarin.’ Kasi ‘di ba, ‘pag love mo ‘yung person, alam mo ‘yung, ganu’n na ako, ‘Please, ‘wag mo akong sagarin.’
“You know why? You’re protecting something na na-build. Pero ako rin ‘yung type of person na kapag sinagad na, ‘pag ubos na, ‘yung wala nang natira sa akin, one day I’ll wake up, and alam ko na sa sarili ko na ubos na ako. ‘Pag sinabi ko nang ubos na ako, there’s no way to be back. Wala nang natira sa akin.
“Ibig sabihin noon, lahat-lahat na, naibigay na.”
Hmmm… si Joshua Garcia kaya ang tinutukoy ni Julia rito?





Comments