Horoscope | Oktubre 05, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 5, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 5, 2019 (Sabado): Lumayo ka sa mga reklamador, paladaing at mga taong negatibo. Mas magandang ikaw ay nag-iisa na lang kaysa sa makasama sila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapaapekto sa mga mahihina ang loob. Ang tagumpay ay para sa matatapang at may matibay na personalidad tulad mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-25-30-35-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ang tulong dahil makukuha mo ang anumang gusto mo kahit walang ibang nasa tabi mo. Subukan mo at malalaman mo na ito ay totoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-26-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang aatras dahil mga anino lang ang iyong kinatatakutan. Ang mga ito ay anino lang ng mga nakaraang kabiguan. Maglalaho rin ang lahat kapag kinakitaan ka ng matatag na kalooban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-21-28-31-34.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa nagbabago ang magandang takbo ng iyong kapalaran. Wala kang dapat gawin kundi ang sakyan ang agos ng mga pangyayari kahit hindi mo nauunawaan ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-25-28-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ang suporta dahil isinilang ka na may mataas na antas ng talino at taglay mo rin ang hiwaga ng mga salitang mula sa abo ay lumipad ang magandang ibon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-21-23-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paiba-iba ang daloy ng hangin. Minsan ay malakas at minsan ay mahina at katamtaman lang. Tulad ng hangin, paiba-iba rin ang iyong sigla at pakiramdam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-22-24-26-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito gabay, ito ay tiyak na iyong mararanasan kung saan ang taong inaasahan mo ay magiging sanhi ng pag-init ng ulo mo. Gayunman, ito ay pansamantala lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-17-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sarili mo ang kalaban mo ngayon kaya hindi mahirap talunin. Ituloy mo ang gusto mo at mananahimik ang iyong sarili na panay ang awat sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-18-20-25-34-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaliligiran ka ng mga taong umaasa sa iyo dahil akala nila ay mahina sila. Umagwat ka sa kanila nang malaman nilang sila ay malakas at puwedeng maiwanan nang mag-isa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-20-24-27-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Daraan ka sa hirap ngayon pero, hindi ka mamalagi dahil sa una ka lang mahihirapan at sa huli ay madali na lang para sa iyo ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-18-21-24-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakabigla ang kapalaran mo dahil ikaw mismo ay hindi makapaniniwala na ang mga kahilingan mo sa langit ay isa-isa nang natutupad. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-15-28-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida sa buhay mo. Hanggang kontra lang sila dahil ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-19-21-23-34.




Comments