top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bilang mister ng aktres sa movie… Dennis, Piolo at Echo, pare-parehong atras kay Juday

Ador Saluta
Oct 5, 2019
1 min read

Lumipad papuntang Korea si Judy Ann Santos para dumalo sa Busan Film Festival bilang bahagi ng ating Philippine conti­n­gent para sa kanilang pelikulang Min­danao na idinirek ni Brillante Mendoza.

Bukod kina Juday at Ryan Agoncillo, kasama rin sa grupo si Direk Mendoza at ang aktor na si Allen Dizon na gumaga­nap na asawa ni Juday sa Mindanao.

Sa isang panayam kay Allen, puring-puri niya ang galing ni Juday lalo na sa mga drama scenes nila. Na-challenge man daw siya sa acting na ipinakita ng aktres, hindi naman nagpahuli ang alaga ni Dennis Evangelista at nakipag­sabayan si Allen sa galing umarte ni Juday.

Bilib si Allen sa dedication at passion ni Juday sa pag-arte kaya saludo siya sa aktres na first time niyang naka­tambal sa Mindanao.

Hindi naman daw issue sa kanya kung sinalo lang niya ang role mula sa mga unang aktor na tu­manggi dahil sa conflict of schedule tulad nina Dennis Tril­lo, Piolo Pas­cual at Jericho Rosales.

Ang mahalaga, ani Allen, sa kanya napun­ta ang role at ma­gan­dang oportunidad na naka­trabaho niya ang isang Judy Ann Santos.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page