top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Muyang at Ambohot, namarusa para sa LC Knights vs. Chiefs

  • A. Servinio
  • Oct 4, 2019
  • 1 min read

Nakuha ng Colegio de San Juan de Letran ang isa sa pinakamahalagang panalo nito sa taong ito kon­tra sa season host Arellano University, 97-84, sa 95th National Collegiate Athletic Association (NC­AA) sa FilOil Flying V Centre. Anim na Knights ang bumuhos ng 10 puntos o higit pa sa pangunguna ni Edson Batiller na may 18 puntos.

Nag-ambag din sa tagumpay ng Knights sina Larry Muyang at Jeo Ambohot na parehong may 15 puntos, Allen Mina na may 12 at Jerrick Ba­lanza at Fran Yu na pare­hong may 11.

Magan­dang bawi ito para sa Knights na kagaga­ling lang sa magkasunod na talo sa Lyceum Pirates, 90-97, noong Set. 27 at sa defending champion SBU Red Lions nitong Martes lang, 63-75.

Umangat ng kartada ng Knights sa 10-6 at dala­wa nalang ang nalala­bing laro sa elimination round na laban sa mga koponan na nasa pinakai­la­lim ng standings, ang University of Perpetual Help System-Dalta Altas sa Okt. 11 at Emilio Aguinaldo College sa Okt. 15.Kai­la­ngang manalo ng mga ito upang magka-pag-asa na hindi lang makapasok sa Final 4 kundi makamit din ang mahalagang twice-to-beat advantage.

Samantala, hahanapin ng SBU (15-0) ang kanilang ika-16 na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng aks­yon ngayong araw.

Makakaharap nila ang Mapua (7-7) ng 2 p.m. at malaking paborito ang Red Lions na ulitin ang k 69-60 na panalo sa Cardinals noong Set. 6.

Sa iba pang mga laro, nais pa­lakasin ng College of Saint Benilde Blazers (6-7) ang pagkakataong pumasok sa Final 4 kontra Altas (3-10) sa 12:00 p.m. Patitiba­yin ng Lyceum (11-3) ang hawak sa ikalawang pu­westo laban sa EAC (3-11) sa 4 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page