Multa sa maninira o magba-vandalize sa mga puno at sa park
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Oct 4, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang maaaring kaparusahan sa mga nagba-vandalize sa mga puno sa mga park? — Neil
Dear Neil, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 71 nito na:
“Section 71. Illegal occupation of national parks system and recreation areas and vandalism therein. Any person who shall, without permit, occupy for any length of time any portion of the national parks system or shall, in any manner, cut, destroy, damage or remove timber or any species of vegetation or forest cover and other natural resources found therein, or shall mutilate, deface or destroy objects of natural beauty or of scenic value within areas in the national parks system, shall be fined not less than two hundred (P200) pesos or more than five hundred (P500) pesos exclusive of the value of the thing damaged; Provided, That if the area requires rehabilitation or restoration as determined by the Director, the offender shall also be required to restore or compensate for the restoration of the damage; x x x”
Ayon sa nasabing batas, ang sinumang manira sa mga puno sa mga parke kabilang na ang pag-vandalize rito o sa kahit na anong parte ng idineklarang national park ay magmumulta ng P200 hanggang P500 bukod pa sa halaga ng nasirang bagay. Sasagutin din ng nagkasala ang rehabilitasyon ng lugar o bagay na nasira kung kinakailangan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments