top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 04, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 4, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 4, 2019 (Biyernes): Naka­tak­da kang humawak ng mga tao dahil ikaw ay isi­nilang para mamahala at mamuno.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Igalang mo ang nasa ibaba nang sa gayun ay malaya mo silang mapa­su­nod. Ito ang pormula para sa iyo para mapalago mo pa ang iyong kabu­hayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aasenso ka pa kaya hindi nga­yon ang pana­hon para huminto. Ituloy mo ang iyong pagsisikap dahil marami pang mata­ta­mis na bunga ang inila­an sa iyo ng langit. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-30-36-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang pagpaparaya kaysa sa hindi pagkakaayos. Higit kailan­man, ang kailangan mo ay tahimik na magawa ang mga naunang plano mo sa pagpapayaman. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-29-31-36-38.

CANCER (June 21-July 22) - Magkun­wari kang ikaw ay wala at mag­kakaroon ka. Umasta ka na mayroon ka at mawa­walan ka. Simple lang ang pormulang ito para ma­dagdagan ang yaman mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-25-28-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Titi­ngalain ka nga­yon at bibig­yan ka ng pag­kakataon na pamahalaan ang negosyo na ang pag­lago ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-16-28-32-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dahil sa iyong, kakaibang ta­lino, tataas ang iyong ranggo. Gayun­man, ang kawalan mo ng inte­res sa pagsikat ang da­hilan ng pagdadala­wang-isip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-9-13-17-21-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakasalalay sa mga kamay mo ang pag­taas ng ranggo ng ilang taong mahalaga sa buhay mo. Kapag ipinairal mo ang iyong emosyon, hindi aasenso ang iba sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-26-39-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagba­bago na ang simoy ng ha­ngin. Kailangan mo ring magbago ng mga prayo­rid­ad sa buhay at ipina­payo na bigyan mo ng pag­kakataong sumaya ang iyong sarili. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-25-27-30-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mainip. Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo para sa pansarili mong kaliga­ya­han. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-19-23-26-39-40-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sungga­ban mo ang alok sa iyo para sa mas mataas na puwes­to. Huwag mong isipin na hindi mo kakayanin dahil sa umpisa, ang lahat ay halos walang sapat na ka­alaman. Masuwerteng ku­­lay-purple. Tips sa lotto-7-10-13-21-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap tanggapin ang na­katutu­wang katotohanan sa bu­hay mo na ikaw ay uma­abante hin­di dahil sa iyong galing kun­di dahil sa iyong malakas na karis­ma. Masawerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-29-38-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon para mapaun­lad pa ang buhay mo. Ito ay nagpapaalala na ang tao ay dapat nakatutok sa pagpapaganda ng kinabu­kasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-18-24-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page