Hinawakan si Ion, gay host, selos na selos… Anne, inaway ni vice, tinawag pang malandi
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Ginulat ng komedyanteng host ng It’s Showtime ang madlang pipol, netizens at co-hosts dahil sa bago niyang hairstyle na umani nang sandamakmak na reaksiyon.
Siyempre, nagkomento rito ang mga co-hosts ni Vice. Walang kiyemeng natanggap ni Vice ang pamumuna nina Anne Curtis at Vhong Navarro sa ere.
Ayon kay Vhong, “Wow! Grabe naman! Pasabog… Bumata ka riyan, ha?”
Sabi naman ni Anne, “Ang ganda mo naman!”
Siyempre, hindi magpapahuli ang mga netizens katulad na lang ng mga nagsabing:
“Ellen DeGeneres?”
“Hindi mo kami maloloko, Doris!”
“Medyo hawig niya si Ate Gay dito.”
“Parang mas tumanda ang hitsura niya.”
“Ano ‘yan? Nagpa-blonde si news anchor Doris?”
Samantala, aware rin naman si Vice na ikinukumpara siya kay Doris Bigornia dahil sa new look niya at may iba pa ngang nagsasabi na “lost sibling” siya ng beteranang news anchor.
Hindi rin naman mapigilan ni Vice na magsalita sa mga sinasabi ng madlang pipol.
Aniya, “Sa mga masa, itong look ko ngayon, Doris Bigornia. Pero sa mga sosyal-sosyalen, Tokyo ng Money Heist. Ang daming nagtu-tweet sa akin, kamukha ko raw si Doris Bigornia. Tapos ang dami rin nagsasabi na ‘Ay, para kang ‘yung sa Money Heist. Tiningnan ko ‘yung mga profile, ang lalayo!”
Samantala, nag-viral ang reaksiyon ni Vice nang hawakan ni Anne ang rumored BF ng Unkabogable Star na si Kuya Escort Ion Perez kamakailan.
Napansin ni Anne na hindi maayos ang bow tie ni Ion kaya sinubukan niyang ayusin ito sa harap ni Vice.
Na-shocked si Anne sa naging reaksiyon ni Vice na para bang nagseselos.
Sabi ni Vice, “Ito, hawak nang hawak.”
Sinagot siya ni Anne ng “Pati ba naman sa akin? Kapatid mo ako, gurl!”
At sinagot naman siya ni Vice ng “Kapatid? Tandaan mo, walang ate-ate sa jowang malandi!”
At tiningnan ni Vice si Ion at sinabing “Nag-aaway-away kaming magkakaibigan dahil sa ‘yo.”
‘Kalokah!





Comments