Aktor, bago pa napunta kay Mika… Alexa, umaming 5 taon sila ni Nash
- Vinia Vivar
- Oct 4, 2019
- 2 min read

Last year pa nabuwag ang love team nina Alexa Ilacad and Nash Aguas (NLEX) at ang huling pinagsamahan nga nilang teleserye ay ang The Good Son na nagtapos din last year.
Hindi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa at matatandaang umamin noon si Nash na tila nag-grow apart sila ni Alexa dahil nang magsimula ang love team nila ay mga bata pa sila na tumagal din nang 5 years.
Ngayon ay may kani-kanya na silang career path at nagso-solo na. When it comes to their personal lives, as we all know ay happy na rin ang young actor sa kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz na childhood crush niya simula pa noong Goin’ Bulilit days.
Si Alexa naman ay kasama sa Killer Bride at ngayon ay may ginagawang horror film, ang Santigwar na first lead role niya, directed by Joven Tan.
Dinalaw namin ang last shooting day ng pelikula last Tuesday sa Novaliches at isang dalagang Alexa na talaga ang humarap sa amin since matagal-tagal na namin siyang hindi nakikita.
Masayang-masaya si Alexa na finally ay bida na rin siya sa isang pelikula. She’s the title role dahil siya ang santigwar na pumapatay sa mga aswang.
Noong una raw na i-offer sa kanya ay nagdalawang-isip siya na tanggapin dahil natakot siya at first dahil feeling niya ay hindi pa siya ready na magbida.
Pero naisip din niya na magandang opportunity ito for her and would be stupid kung hindi niya tatanggapin.
Siyempre, napag-usapan si Nash at aniya ay okay naman sila kapag nagkikita, nagbabatian naman and very civil.
Of course, aware siya na karelasyon na nito si Mika at nilinaw naman niyang hindi ang young actress ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. But she also stressed out na hindi naman official relationship ang namagitan sa kanila ni Nash.
“Parang MU. Wala lang kaming label. Hindi siya relationship, eh. Pero minahal namin ang isa’t isa. Wow! Basta ‘yun! Parang 4 or 5 years din, pero hindi naging official. Kasi ilang taon pa lang ako nu’n, wala pa akong 18,” aniya.
Hindi naman daw joke ang love na naramdaman nila at kung umabot lang sa tamang edad ay posibleng magtuluy-tuloy.
Hindi na raw siya na-surprise nang mabalitaan noon na nanliligaw na si Nash kay Mika after they broke-up dahil magkakasama naman sila sa Goin’ Bulilit at alam niyang kiddie lovebirds ang dalawa that time.
Ang isang bagay lang daw na medyo ikina-off niya ay nang makita niya ang isang post sa social media na hindi na niya matandaan kung si Mika or si Nash ang nag-post.
“Tapos, si Nash, nag-comment ng parang ‘13 years and I still love you.’ So, parang du’n ako medyo na… Eh, sa loob ng 13 years na ‘yun, nandu’n ako. So, medyo naano lang ako nu’n,” pag-amin ni Alexa.
Pero ayaw na raw niyang ma-hurt pa dahil wala naman siya sa lugar para masaktan pa. Basta sa ngayon ay naka-move on na raw siya at happy sa buhay niya. Wala raw siyang boyfriend at naka-focus muna sa kanyang career.
Showing na ang Santigwar sa Oct. 30 under Reality Entertainment. Kasama rin sa movie sina Marlo Mortel, Keann Johnson, Dan Fernandez at marami pang iba.





Comments