Atat magka-BF dahil ayaw maging malamig ang pasko
- Maestro Honorio Ong
- Oct 3, 2019
- 2 min read

Katanungan
May manliligaw ako ngayon at parang gusto ko na siyang sagutin dahil malapit na ang Pasko at mahirap kapag walang BF ngayong Pasko. Kaya lang, nagtataka ako at naiinis dahil bukod sa akin ay may nililigawan pa siyang iba.
Ibig sabihin ba nito, hindi niya ako mahal dahil may iba pa siyang nililigawan? Kapag sinagot ko na siya ay ititigil kaya niya ang panliligaw sa iba?
At kung maging kami, magiging masaya kaya ako sa piling niya at siya na kaya ang lalaking makakasama ko, habambuhay?
Kasagutan
Talagang minsan ay may lalaki na ‘ika nga ay maharot kung saan kahit nililigawan ka na ay magugulat ka pa dahil may pinopormahan pang iba.
Pero ang ikakatwiran nila ay bakit kapag maraming manliligaw ang babae ay okay lang pero kapag ang lalaki ang manliligaw ng higit sa isa ay hindi puwede?
Samantala, kapansin-pansing nagsimula sa Bundok ng Kaligayahan o Mount of Jupiter (Drawing A. at B. arrow a.) ang Heart Line (h-h) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit hindi mo sagutin ang manliligaw mo at may nanligaw sa iyong iba ay magiging maligaya ka pa rin. Sa sandaling nagkaroon ka ng boyfriend, isang romantiko at maligayang karanasan ang mapasasaiyo.
Ang pag-aanalisang magiging maligaya ang buhay-pag-ibig mo ay kinumpirma ng kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na, hindi lang sa pakikipagrelasyon ka magiging maligaya dahil ang pag-aasawa at pagpapamilya mo ay ganundin na kinumpirma ng maayos at hindi naburara mong pirma.
Mga Dapat Gawin
Kung ngayon ay magulo ang manliligaw mo, huwag mo na siyang sagutin kahit gusto mo na siya, pero, kung gusto mo siyang maging BF ngayong Pasko, tanungin mo kung bakit nanliligaw pa siya ng iba?
Sa nakakikilig na tanong na nabanggit, kusang mabubuo ang matimyas at totoong pag-ibig.
Habang, ayon sa iyong mga datos, anuman ang mangyari, nakatakda ang magaganap kung saan iihip ang malamig na simoy ng hangin at bago mag-Pasko, magkakaroon ka na ng boyfriend na magpapakilig sa iyo at habambuhay na magbibigay ng kaligayahan sa iyong buhay.




Comments