Obiena, TOPS Athlete of the month

Bilang unang Pinoy athlete na nakuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics, si Ernest John Obiena ang itinanghal na “Athlete of the Month” para sa buwan ng Setyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
Naabot ni Obiena ang 5.80 meter qualifying standard sa pole vault sa isang athletics meet sa Chiara, Italy noong Set. 2. Nalundag ng 23-anyos na anak ni dating pole vault great Emerson Obiena ang 5.81-meter qualifying standard at talunin ang 5 kasagupa para sa gold medal sa torneo na sanctioned ng International Amateur Athletic Federation (IAAF).
“EJ Obiena’s latest success in pole vault in Chiara, Italy early this month stands out as the most inspiring achievement by the Filipino athletes for September,” ayon kay TOPS president Ed Andaya. “More importantly, Obiena also became the first Filipino to book a ticket to the Tokyo Olympics,” dagdag ni Andaya.
Ito ang ikatlong pagkakataon na kinilala si Obiena ng TOPS, ang bagong media organization na binubuo ng mga editors, reporters at photographers ng mga pinaka-nangungunang tabloids sa bansa.
Si Obiena rin ang unanimous choice noong Abril nang maka-gold siya sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar.
Nakuha ng UST graduate ang TOPS award sa ikalawang pagkakataon kasunod ng kanyang makasaysayang gold-medal triumph sa Napoli Universiade sa Italy noong Hulyo.
Kinonsidera rin ng TOPS para sa monthly award sina boxing hero Pedro Taduran, Jr., na tumalo kay Samuel Salva sa isang all-Filipino showdown at kunin ang IBF minimumweight world championship; maging sina chess champions IM Paulo Bersamina at Jan Jodiyn Fronda, na nagkampeon sa GM Rosendo C.
Balinas Memorial Cup at National Women’s Chess Championship.





Comments