Nagtaray sa press people… Anne, na-pressure sa paulit-ulit na tanong sa pagbubuntis, napikon
- Ador Saluta
- Oct 2, 2019
- 2 min read

Bilang pagbabalik-tanaw sa sampung taong pagpapasaya sa madlang pipol, ihahatid ng It’s Showtime family sa kanilang 10th anniversary celebration ang Sampu Sample, sampung sorpresa na sisimulan ngayong Oktubre, kung saan iniimbitahan ang madlang pipol na makibahagi hindi lang sa pagpapasaya kundi para na rin sa pagtulong sa kapwa para sa pagmamalasakit sa ating kalikasan.
Kabilang si Karylle at ang mga kasamahan niya sa magpapakita ng malasakit sa ating environment na ibabahagi sa kanilang production number na kinunan pa sa Ecopark, QC.
Gaya ni Karylle, sa bawat production number mula kina Vice Ganda (na kasama ang Miss Q and A Top 3 winners), Anne Curtis, Amy Perez (with Bidaman finalists and winner, Jin Macapagal), Jugs and Teddy (with Ate Girl Jackie, Ion Perez at Stephanie), Ryan Bang (with GT), at Vhong Navarro and the Hashtags, asahang may tema tungkol sa preservation ng ating kalikasan.
Sa ginanap na 10th anniversary presscon ng It’s Showtime sa Dolphy Theater last Monday (September 30), naging mainit ang Q&A portion sa mga hosts ng noontime show.
Napikon si Anne sa paulit-ulit daw na tanong sa kanya kung kailan siya mabubuntis. In fact, gusto ring malaman ng lahat kung kailan dahil ilang taon na ring kasal sina Anne at Erwan Heussaff pero hanggang ngayo’y wala pa yata silang planong magka-baby.
Nu’ng una ay kalmadong sinasagot ni Anne ang tanong sa kanyang pagbubuntis.
Sa mahinahon nitong salita, aniya, “I think it all happens in God’s time, in God’s perfect time and anytime naman, I’m ready for it.”
Hanggang sa biglang kumambiyo si Anne sa kinaiinisang tanong sa kanya.
“And I think I should take this opportunity that press should stop asking that question to any woman kasi you don’t know what they’re going through. Anytime naman, I’m ready for it (magbuntis). But I’m speaking for every woman, you don’t know what they’re going through,” sey ni Anne.
“Oo nga, para ka lang tinatanong kung kailan ka gaganda?” singit pang biro ni Vice.
May insinuations daw kasi na kapag ilang taon nang kasal ang couple, it’s either may diperensiya ang isa sa kanila.
Ayon kay Anne, marami siyang friends na naiinip na malamang buntis na siya.
“I have a lot of friends and each time, medyo nakakasakit na when people kept asking, ‘When you’re going to have a baby?’ Or maybe, malay nila, they just don’t want to have a baby,” katwiran ng aktres-host.
Sa bandang huli, humingi rin siya ng paumanhin sa nagtanong. Ang sa kanya lang daw ay respeto sa kapwa niya mga kababaihan.
Pakiusap niya, “I hope you guys don’t take this the wrong way, but I think, in respect to every woman, you should stop asking that whether when they’re getting married or why don’t they have a baby or when they’re having a baby.”
Nag-sorry naman ang nagtanong at ganti ni Anne, “It’s okay.”





Comments