Kung noon, gustung-gustong layasan sa liit ng suweldo… Sigaw ni Vice: Ikamamatay ko 'pag nawala
- Ronalyn Seminiano
- Oct 2, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naganap na presscon noong Lunes para sa 10th anniversary celebration ng It’s Showtime na minsan nang sumagi sa isip niyang layasan ang show.
Sabi ni Vice, “After the first season or after the first year, nagpaalam na ako. I felt so tired. Ito ‘yung mga panahon na araw-araw, sample, araw-araw, required ako mag-isip ng ‘May nag-text.’ Naubos ako. Feeling ko talaga, naubos ako kasi hindi ako sanay sa showbiz. Parang nabigla ako sa bilis ng pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabayan.
“Feeling ko, hindi ako makalabas ng bahay, hindi ako makapag-jowa, hindi ako makaraket, hindi ako maka-concert sa ibang bansa kasi dapat araw-araw kang nasa Showtime. Tapos, napagod talaga ako nang pagod na pagod,” dagdag pa niya.
Ayon kay Vice, nahirapan siyang i-handle ang biglaang pagsikat dahil kinailangan niyang mag-adjust nang bongga at dahil din dito ay nakaramdam siya ng self doubt kung makakaya ba niyang ma-maintain ang pagpapatawa sa madlang pipol. Inamin din niya na nagtiis siya kahit minsan ay parang “lugi” siya dahil sa TF na nakukuha niya.
“That time, hindi ko nakikita ang purpose ng pagso-Showtime ko. Akala ko, raket ko lang ang Showtime and may kita. That time, P5,000 a day ang suweldo ko, so wala kang personal assistant, wala kang makeup artist, wala kang hairstylist, ako lahat. Wala kang stylist, damit, hindi naman uso ang stylist. So, sabi ko, parang it’s not worth it. P5,000 a day, parang lugi ako.
“Pagod na pagod talaga ako. Tapos, feeling ko, hindi ako nakakatawa. Feeling ko, wala na akong maisip na mapapatawa pa. Parang lahat ata ng jokes, naubos ko noong year na ‘yun. Kaya sabi ko, hindi na po ako magiging effective kasi ubos na ako. Tapos, feeling ko talaga, hindi na ako nakakatawa.
“Sabi ko, kailangan ko nang bumalik sa comedy bar, para ma-practice ako, kasi feeling ko, nangalawang ako, kasi hindi na ako nagko-comedy bar. So, gusto kong mag-comedy bar na lang, tapos regular guesting, pero ‘yung regular show, ayoko na muna.”
Pero dahil super naging malapit na sa kanya ang mga co-hosts at production staff, nag-decide siyang piliin ang It’s Showtime at i-prioritize ang show.
“Na-miss ko ang Showtime. Na-miss ko si Anne (Curtis), si Anne talaga. Noong umiyak ako, sabi ko, nasanay na ako na nakikita ko na si Anne, parang ayoko nang hindi ko kasama si Anne. Si Anne ang malaking rason noon kung bakit ko gustong bumalik ng Showtime.”
Kung noon ay iniisip niyang ipagpalit ang It’s Showtime sa comedy bar, mariin namang sinabi ng Unkabogable Star na ito ay parte na ng buhay niya na hindi niya kayang mawala ngayon.
“Ngayon talaga, nasa punto ako na hindi ko kayang mawala sa Showtime at hindi ko kayang mawala ang Showtime sa buhay ko, ikamamatay ko. Nakuha ko na ‘yung halaga niya sa buhay ko.”
Samantala, kasabay din ng anniversary celebration ay sinabi ni Vice sa harap ng media na “espesyal” si Kuya Escort Ion Perez para sa kanya.
Naungkat ang pagiging emosyonal nila kamakailan kung saan nagpalitan sila ng “I love you” at ang kumalat na Sept. 25 monthsary nila. Simple lang ang sagot dito ni Vice, “Ay, wala. Dahil hindi naman 25 ang monthsary namin.”
So, parang nadulas si Vice! Ibig sabihin ba nitey, nagse-celebrate talaga sila ng monthsary pero mali lang ang hula ng madlang pipol sa date? So, sila na talaga ni Ion?!
Natanong din kung bakit nangyari ang palitan nilang dalawa ng sweet posts sa Instagram at Twitter, at sabi ni Vice, “Unang-una, gusto ko. Pangalawa, kaya ko. Pangatlo, puwede naman.”





Comments