top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Walang bantay kaya solong-solo ang isa't isa… Piktyur ng yakapan nina Kathryn at Daniel habang n

  • Beth Gelena
  • Oct 1, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @kadreamersworld

Kasalukuyang nasa Iceland ang magdyowang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Balita namin ay 10 days ang bakas­yon ng KathNiel at wala silang kasamang chaperone.

Ang nasabing bakasyon ay treat na rin ni Kathryn sa sarili dahil sa successful movie nila ni Alden Richards.

But how true na ang kumakalat na picture nina DJ at Kath kung saan sila ay nasa Blue Lagoon ay hindi sa social media account nila nakita kundi sa isang netizen?

Magkayakap sina Daniel at Kathryn nang maku­hanan nang hindi nila alam. Paparazzi shot daw ‘yun kaya hindi sila ang nag-post.

Ang lagoon daw ay isang geothermal spa kaya hindi nilalamig ang young celebrity couple.

Sa pagbabalik-’Pinas ng dalawa ay magiging busy na naman sila para sa kanilang movie na pang-Valentine’s offering nila para sa KathNiel fans.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page