top of page
Pokwang.jpg

Suwerteng date kung kelan dapat maghanap ng lalaki ang babaeng NBSB sa edad 26

Maestro Honorio Ong
Sep 30, 2019
1 min read

Dear Maestro,

Twenty-six years old na ako at hindi pa nagkaka-BF. Kailan kaya darating ang unang lalaki na ma­ka­karelasyon ko at ma­kakasama, habambuhay?

Sinu-sino rin ang ka-compatible ko? November 7, 1993 ang birthday ko.

Umaasa,

Mitchie ng Pamarawan, Malolos City, Bulacan

Dear Mitchie,

Sa edad mong 26, dapat lang na magka-boyfriend ka na.

At minsan, okay lang ma­bahala sa sitwasyon na­tin, lalo na kung hindi pa tayo nagkakadyowa.

Hindi masamang hana­pin ang ating kapalaran, lalo na ang pag-ibig at sa pakiki­pagrelasyon. Walang prob­lema ru’n, lalo na kung nara­ramdaman mo na ikaw ay malapit na sa pagtandang dalaga.

Kaya para magka-boy­friend ka, Mitchie, simulan mo nang dagdagan ang iyong mga kaibigang lalaki, pag­katapos, palagi kang mag­suot ng paborable mong ku­lay na pula, pink at berde, ha­bang paminsan-minsan ay magsuot ka rin ng black, ga­yundin, pahabain mo nang bahagya ang iyong buhok.

Makipagkaibigan kang mabuti sa mga lalaking isi­nilang sa zodiac signs na Pis­ces, Cancer, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26.

Dagdag pa rito, palagi kang lumabas ng bahay at makisalamuha sa kalalaki­­han mula sa ika-19 ng Set­yembre hanggang sa ika-30 ng Nob­yembre, mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso at mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo.

Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomen­das­yon sa itaas, tiyak ang ma­gaganap dahil ayon sa iyong Love Calendar, nga­yong ta­ong kasalukuyan at sa Ok­tubre hanggang Nobyembre, magkaka-boyfriend ka na hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Cancer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page