Sinuotan ng sandals ng hindi kilalang tao, sign na huwag sumuko sa buhay
- Socrates Magnus
- Sep 30, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Reynaline ng Reynaline_Hiponia@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng sinusuotan ng sapatos sa panaginip? Nakaupo raw ako tapos, may lumapit sa akin at sinuotan niya ako ng sandals na kulay brown at itinali pa sa paa ko. Salamat!
Naghihintay, Reynaline
Sa iyo Reynaline, Sa buhay, dumarating ang sandali kung kailan parang gusto nang huminto sa pagsisikap ng tao. Minsan, siya ay parang pagod, sawa na at nawawalan ng sigla.
Ito ang dahilan kung bakit may day-off o restday.
Pero may mga tao na kahit pagod at sawa na, kailangan niyang magpatuloy dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Hindi pa niya natutupad ang kanyang mga pangarap.
May umaasa sa kanya tulad ng magulang, kapatid at puwede ring anak.
May mga pagkakataon na ang kanyang BF, karelasyon o asawa ay magmumukhang kaawa-awa kapag ang nanaginip ay huminto sa pagsisikap.
Minsan, ang pangit na sitwasyon sa workplace ang nagtutulak sa kanya para huminto.
May iba pang dahilan, pero kapag bata pa ang tao, hindi papayag ang langit na huwag na siyang magpatuloy. Sa ganitong katotohanan, ang lumitaw na tao sa iyong panaginip ay pahiwatig na kailangan mong magpatuloy.
Ang mahiwagang tao sa iyong panaginip ay si Lord dahil Siya ang may gusto na magpatuloy ka pa. Tatanggi ka ba? Siyempre, hindi.
Kaya anuman ang iyong sitwasyon, huwag kang huminto at magpatuloy ka para sa katuparan ng iyong mga pangarap.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments