Black Arrow triathlon abangan sa Subic Bay
- Gerard Arce
- Sep 30, 2019
- 1 min read

Nakatakda na namang mag-unahan sa finish line ang mga batikang triathlete’s ng bansa sa muling pagsambulat ng Black Arrow Express 5150 triathlon Subic Bay second edition na gaganapin sa Oct. 27 sa Subic Bay.
Matapos ang matagumpay na inagurasyon nito ay muling masusubukan ang Olympic Distance na 1.5km swim-40k bike-10k run race ng mga aktibong karerista at mga triathletes’ na naghahanap ng mas mapanghamong karera sa isang world-class race course sa lugar na itinuturing na triathlon capital ng bansa.
Muli namang inaasahang ipagtatanggol nina Aussie Mitch Robins at Manami Iijima ng Guam ang kanilang mga titulo sa pro division sa unang edisyon nito, lalo pa’t may nakalaang $10,000 ang magwawagi rito, habang nakalatag ang P200,000 para sa Asian Elite category ng event na inorganisa ng Sunrise Events Inc na ngayon ay parte ng IRONMAN group.
Kabilang din sa BAE 5150 event ay ang short distance triathlon series na 75-m open-water swim, 20km bike ride at 5km run na ginawa ng Go for Gold para isulong ang kahusayan ng atletang Filipino.
Upang mabigyang daan ang pagsasagawa ng 30th edisyon ng Southeast Asian Games sa bansa na magbubukas simula Nob. 30-Dis. 11 sa Subic Bay na paglalahukan ng 17 sports kabilang ang duathlon, triathlon at modern pentathlon ay iniurong ng mga coordinators ang event mula Nob. 3.
Kasalukuyang bukas ang registration hanggang Okt. 13 sa event na sinuportahan ng Subic Bay.
Para sa mga detalye makipag-ugnayan sa sa blackarrowexpress@5150 philippines.com.





Comments