Notoryus na tulak, tiklo sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Sep 29, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO — Naaresto ang notoryus na drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. New Leon, Aleosan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Agustin Cabayes, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad at nang pagbentahan ni Cabayes ng shabu ang mga operatiba ay agad itong dinakip sa naturang lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Cabayes na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments