May BF na pero sa iba gustong ipakasal ng mga magulang para sure ang future

Dear Roma, Ako si Mia, 27 years old. May sarili na akong negosyo at kung tutuusin, kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Gayunman, kahit nasa wastong gulang na ako, hindi ako makapagdesisyon para sa aking sarili dahil sa paniniwala ng parents ko. Only child ako at Chinese ang daddy ko. Gusto nila akong ipakasal sa anak ng negosyanteng kaibigan ni daddy kahit hindi ko mahal ang lalaking iyon. Sa katunayan, may boyfriend ako pero hindi ko maipakilala sa kanila. Dapat ko bang hiwalayan ang BF ko at sundin sila kahit alam kong magiging maayos ang future ko sa inirereto ng mga magulang ko? — Mia
Mia, Ang pag-ibig ay hindi dapat sapilitan. Kung hindi mo mahal ang lalaking gusto ng mga magulang mo para sa iyo at kung talagang mahal mo ang boyfriend mo, habang maaga pa ay aminin mo na ito sa kanila. Sabi nga, piliin mo ang mapapangasawa mo dahil mahal mo siya at hindi dahil mahal ng mga magulang mo; piliin mo ang mapapangasawa mo dahil sa ikabubuti mo at hindi dahil sa ikabubuti ng estado ng buhay mo.
‘Yun lang, beshie, Good luck!





Comments