top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kilalanin: Mga Celebs na ikakasal sa December, 2019!

Erlinda Rapadas
Sep 29, 2019
1 min read

Blooming bride-to-be ang Kapuso star na si Joyce Ching. Mukhang hindi siya nape-pressure sa nalalapit niyang kasal sa BF na si Kevin Alimon na gaganapin sa Dec. 8 sa Baguio Country Club.

Isang garden wedding ang gusto ni Joyce. May mga taong nag-aasikaso naman sa wedding preparations kaya may time ang aktres na makapag-concentrate sa teyping ng millennial fairytale na One of the Baes na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela, kasama sina Amy Austria, Melanie Marquez, Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Rodjun Cruz, Edgar Allan Guzman at ang veteran comedian na si Roderick Paulate.

May pagka-kontrabida ang role ni Joyce sa serye pero tanggap niya ‘yun. Ilang beses na siyang gumanap na kontrabida sa mga shows ng Siyete kaya rito siya luminya at tumatak sa mga viewers.

Isa pang cast ng One of the Baes na ikakasal sa December ay si Rodjun Cruz (kuya ni Rayver) na naka-set na ang wedding sa kanyang long-time GF na si Dianne Medina. Sa December 21 ang kanilang kasal na gaganapin sa Manila Cathedral at ang reception ay sa Sofitel Hotel.

Tatayong best man ang dalawa niyang kapatid na sina Rayver at Omar. Groomsman naman sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Marco Alcaraz.

Kaya labis na nagpapasalamat si Rodjun Cruz na nakasama siya sa cast ng One of the Baes dahil malaking tulong din ang kikitain niya upang pandagdag sa gagastusin sa kanilang kasal ni Dianne.

Ikinalulungkot lang niya na hindi na masasaksihan ng yumao niyang ina ang kanyang kasal.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page