Aktres, delikado na raw ang likod, todo-hataw pa sa serye… Chito kay Angel: Sira ka talaga! Tigas ng
- Beth Gelena
- Sep 29, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Kung si Dimples Romana ang female best friend ni Angel Locsin, si Chito Miranda naman ang male BFF ng The General’s Daughter lead actress.
Tulad ni Dimples, masyadong nag-aalala ang vocalist ng Parokya ni Edgar para sa Kapamilya actress nang i-post ni Angel sa socmed ang mga behind-the-scenes niya sa serye.
Pinasalamatan ni Angel ang buong staff ng TGD, “Thank you for the trust @dreamscapeph Sir @montie08 Last 6 days... #TGDMahuli.”
Ani Chito: “Sira ka talaga! Todo-hataw pa ‘yung pag-flip, eh, ingatan mo nga sarili mo! Lalo na ‘yung likod mo! Tigas ng ulo... pero kahit ano sabihin ko, astig ka pa rin talaga.”
Ang inaalala ni Chito sa kaibigan ay ang back pain nito nu’ng 2015 kung saan ang treatment ni Angel ay ginawa pa sa Singapore. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-back-out ang fiancée ni Neil Arce sa Darna movie.
Hindi lang si Chito ang nag-aalala sa health condition ng actress, nandiyan din sina Vhong Navarro na kung tawagin siya ay “Labs,” Mariel Padilla, Jhong Hilario, etc..





Comments