5 yrs. bago nagbalik-serye, kinalawang… Juday, aminadong inaabot ng take 6 sa mga eksena
- Vinia Vivar
- Sep 29, 2019
- 2 min read

Exciting para kay Judy Ann Santos ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Starla dahil kakaibang-kakaiba raw ang character niya rito sa lahat ng ginawa niya in the past.
Kung dati ay inaapi-api ang kanyang role, well, sabi nga niya, panahon na para maiba naman this time. For the first time ay masama ang kanyang karakter at talaga raw pinaghandaan niya kung paano ito gampanan nang maayos.
“Naghanda ako ng outfit, may glam team ako,” masaya niyang sey.
Bukod dito, nu’ng sinabi raw sa kanya na ang peg niya ay si Meryll Streep ng Devil Wears Prada movie, pinanood niyang muli ang nasabing pelikula.
“‘Yung lakad, ‘yung tindig, ‘yung postura, ‘yung taas-noo, pa’no magsalita,” she said.
Lawyer ang role niya kaya mahirap din para sa kanya dahil kailangang tama ang lahat ng English niya at mga legal terms na ginagamit sa eksena.
“So, du’n ako pinakanahirapan lalo na nu’ng first taping day. I was really struggling because I haven’t done a teleserye for 5 years, so bagung-bago sa akin.”
Sa first taping day ay wala raw siyang take 1 at puro take 4 to 6 dahil nakakalimutan niya ang linya niya or bumibitaw siya sa eksena dahil hindi pa niya nakukuha ang karakter.
Samantala, naitanong din kay Juday kung puwede na ba nilang gawin ni Piolo Pascual ang reunion movie na matagal nang hinihintay ng mga fans nila at ayon sa aktres, wala pa talaga.
“‘Yung last time na sinabi ko, meron kasing nag-offer, pero hindi natuloy, hindi kami nagkasundo with the story.
“‘Yun nga ‘yung sinabi ko noon, it’s very critical for a Piolo-Juday project, for a reunion project, because the story should be very well thought of,” aniya.
Dapat daw ay worth watching talaga kung sakali dahil nga ang tagal nilang hindi gumawa ng movie together.
“So, antay lang. So, habang wala pa, focus muna sa ibang bagay,” sey ni Juday.





Comments