top of page
Heart Evangelista.jpg

Anak ang dapat gumawa ng paraan para magkabalikan ang mga magulang

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 28, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Mag-iisang buwan nang hindi umuuwi sa bahay namin ang tatay ko at naghiwalay sila ng na­nay ko pagkatapos nilang mag-away dahil sa pera. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya silang magkabalikan? July 17, 1972 ang birthday ng na­nay ko at December 29, 1970 naman ang tatay ko.

Umaasa,

Emie ng San Agustin, Bauan, Batangas

Dear Emie,

Ang tatay at nanay mo ay compatible sa ikatlong teoriya o batas ng compati­bility na sumasailalim sa prin­sipyong “opposite poles at­tract each other” dahil ang zodiac sign na Cancer ng nanay mo ay water type sign at saktong katumbalik na lakas ng Capricorn na zodiac sign ng tatay mo na may elementong earth o lupa.

Tug­ma ang tubig at lupa sapagkat sa malalim na mis­tisismo, hindi magkakaanyo ang lupa kung walang tubig habang walang hugis ang tubig kung walang lupa.

Samaktwid, silang da­lawa ay kapwa mahalagang sang­kap o produkto ng pag­lalang. Kaya anuman ang mangyari sa relasyon na earth-water elements, sila ay muling mag­kakasundo at magsasama sa panahong iti­nakda ng tad­hana.

Ganundin halos ang prin­sipyo na gumagabay sa mga numero kung saan ang weak number na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ng tatay mo ay hindi mabubuhay kung walang kasamang strong number na tinataglay ng na­nay mo sa kanyang birth date na 17 o 8 (1+7=8). Gayun­man, kung hindi gagawa ng paraan ang strong number na 17 o 8 upang sila ay muling magsama at magkasundo, ma­nanatili ang pagiging ma­hina ng tatay mo kaya posib­leng hindi maganap ang re­conciliation o ang pagbabali­kan nilang mag-asawa.

Kaya wala kang ibang dapat gawin kundi kumbinsi­hin ang nanay mo na gu­mawa ng paraan para magkabalikan silang mag-asawa.

Kumbaga, kausapin mo ang tatay mo na humingi ng sorry sa nanay mo, maaari ring vice-versa at siyempre, kausapin mo si­lang dalawa na patawarin ang isa’t isa at kalimutan na ang nakaraan. At pagkatapos, simulang muli ang pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pa­milya, alang-alang sa kani­lang mga anak.

Sa ganu’ng paraan, kung may pagsisikap ang mga anak na tulad mo upang mu­ling magkasundo ang mga magulang mo, tiyak ang ma­gaganap sa pagpasok ng Oktubre, dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga mo, muling mabubuo at habambuhay ng magiging maligaya ang in­yong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page