Aktor, na-miss ang GF, 'di nakatiis… Janine at Rayver, 1 week loving-loving sa Rome at Paris
- Nitz Miralles
- Sep 28, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Magkasama sa Rome at ngayon naman ay sa Paris sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Si Janine ay dadalo sa Paris Fashion Week (PFW) at sumabay na si Rayver na magbakasyon.
Galing ang magandang aktres sa Dubai at dumiretso sa Italy. Si Rayver naman ay galing sa Pilipinas at sa Rome na sila nagkita. Batay ito sa photos na kanilang ipinost sa socmed.
Sabi ni Rodjun Cruz na nakausap namin sa presscon ng One of the Baes, one week lang ang vacation ng kapatid niyang si Rayver dahil nagte-taping ito ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko. Na-miss na nito ang GF kaya bumiyahe pa-Europe para magkasama sila sa birthday ni Janine sa October 2 at sabay na sigurong babalik ng Pilipinas. Pansin lang ng mga fans ng dalawa, hindi sila nagpo-post ng litrato na magkasama.
Fashionista na rin si Janine dahil galing lang siya ng New York at dumalo sa New York Fashion Week (NYFW) at ngayon, nasa Paris para sa PFW. Ang L’Oreal ang nag-imbita sa kanya at hinihintay na ng mga followers nito ang vlog at post niya ng kanyang OOTD dahil sa New York, on point lahat ang OOTD niya.





Comments