top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gimik pa more!!! Ion, lantaran sa TV na mahal si Vice, 'pag tinanong, todo-deny naman

  • Ador Saluta
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

Para sa natsitsismis na showbiz couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, “what you see is what you get,” na raw ang estado ng kanilang samahan.

Ito’y pagkatapos mag-post for the first time ng It’s Showtime host na si Vice ng larawan nila ni Ion sa pamamagitan ng kanyang Instagram nitong nakaraang araw.

Ibinalandra ni Vice sa caption: “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME.”

Ang nasabing post ni Vice ay buntot ng kanilang pagiging emosyonal last week sa It’s Showtime nu’ng magpalitan sila ng “I love you” ni Ion sa harap ng madlang pipol.

“Ang saya ‘pag nakikita siyang masaya. Ang sarap makita na masaya ‘yung taong mahal mo,” maaalalang nasabi pa ni Ion sa live episode ng It’s

Showtime kasabay ng tanong kung bakit siya umiiyak. Pagkatapos ng madramang tagpo, Vice tweeted, “Andami n’yong nagmamahal sa akin at masaya para sa kasiyahan ko. Maraming salamat!!! Mapalad ako.”

Natsitsismis na may relasyon nga ang dalawa base sa mga sources na nakapaligid sa kanila subali’t consistent pa rin sila na “friends” lang hanggang ngayon.

‘Pag kinukulit si Ion, lagi niyang sinasabi, “Hindi, sobrang malapit lang kami sa isa’t isa.

Kaya siguro nag-iisip ‘yung mga tao, ganu’n ‘yung nagiging reaksiyon nila kasi sobrang malapit kami… Sobrang close,” pagdidiin pa ni Ion.

Bukas, Sabado (Setyembre 28), abangan muli ang drama onstage nina Vice at Ion mula sa Caloocan Sports Complex sa gaganaping Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page