top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gay TV host, nadulas… Vice at Ion, buking na Sept. 25 ang monthsary

Ronalyn Seminiano
Sep 27, 2019
2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

TUWANG-TUWA ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa suporta ng madlang pipol sa pagmamahalan nila ng It’s Showtime Kuya Escort na si Ion Perez.

Yes, pagmamahalan dahil tila opisyal na at wala nang kiyeme pang itinago ni Vice sa publiko ang status nilang dalawa.

Noong Sept. 25, nawindang ang Vice-Ion fans at madlang pipol matapos madulas si Vice sa episode ng It’s Showtime na “monthsary” nila ni Ion dahil sa pagbibiro nito sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan kung saan sinabi niyang “Akala mo monthsary mo rin, eh.”

Sinundan ito ng post niya sa Instagram na napakaraming netizens ang natuwa para sa Unkabogable Star.

Nag-post si Vice Ganda ng photo nilang dalawa ni Ion na magka-holding hands, na kuha pa noong ABS-CBN All-Star Games. Nilagyan ito ni Vice ng caption na: “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME.”

Dahil sa naturang post, marami ang kinilig at kabilang na rito ang co-host niya sa It’s Showtime na si Anne Curtis na nag-comment ng “Ayyyyyy shuuuuuuuush! (heart emoji).”

Nag-comment din sina Karylle, Bea Alonzo, Vina Morales, Elisse Joson, atbp., maging ang sikat na designer na si Rajo Laurel.

Komento naman ni Teddy Corpuz, “Awe, happy kami kahit talo tayo sa game, panalo ka naman diyan ‘teh (heart emoji).”

Na sinundan ng komento ni Ryan Bang na, “Happy Monthsary.” At siyempre, hindi magpapatalo si Vhong Navarro, “Ang haba naman ng buhok mo riyan, brad?”

At hindi rin nagpahuli si Hurado K Brosas “Ay, teka lang! Sarap mong saktan ‘teehhh! Chos! Lablablab!”

Maging si Angel Locsin ay nag-comment din, “Haneeeeeeeep!!!!!!! Happy for you ati!”

Ayon naman kay Pokwang, deserve lang ni Vice na maramdaman ang saya ng love.

“Yes naman ‘nak. @praybeytbenjamin deserve mo magmahal at mahalin dahil marami ka napapasaya…. Oras naman para ikaw ang sumaya nang bongga!!!”

Nagpasalamat naman si Vice sa mga fans nila ni Ion at sa mga sumusuporta sa pagmamahalan nila.

Sabi ni Vice, “Thanks everyone for the love and support!!! Makakaasa kayong ibabalik ko po sa inyo ang pagmamahal na ibinibigay n’yo. Pipilitin kong mapatawa at mapasaya kayo araw-araw sa abot ng makakaya ko.”

Samantala, nagbahagi rin si Ion sa Instagram Stories ng photo nilang dalawa ni Vice na may caption na “Walang salita na maaaring sabihin kung ga’no ka kaGANDA! #reynako.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page