MPBL, magdaraos ng Regular Game sa Dubai

Tatlong regular games ng Maharlika Pilipinas Basketball League ni founder at CEO Senator Manny Pacquiao sa ongoing Lakan Season ang idaraos sa Hamdan Sports Complex sa Dubai.
Magtutungo ngayong Huwebes si Pacman kasama ang kanyang misis na si Jinkee sa United Arab Emirates maging ang iba pang MPBL officials at staff habang nauna na ang Davao Occidental Tigers noong Miyerkules habang ang Batangas City Athletics at ang Imus Bandera ay pa-Dubai ngayon.
The Tanduay-backed Athletics include actor Derek Ramsay while the Khaleb Shawarma-supported Bandera have actor Gerald Anderson and 2009 PBA
MVP Jayjay Helterbrand in their roster.
Magsasagupa ang Athletics at Tigers sa Set. 27 kasunod ng Athletics-Bandera sa Set. 28. Kasunod ang exhibition games tampok ang kapatid ni Pacman na si Bobby at iba pang napiling MPBL at team officials kontra teams ng Dubai ang susunod na lalaro.
Samantala, nakaranas muna ang San Juan Knights nang pahirapang laban kontra Bulacan Kuyas bago nakamit ang 89-87 na pananaig sa MPBL Lakan Season noong Lunes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Lamang pa ng 9 sa may 2 minuto at 28 segundong nalalabi, hinabol pa ng Knights ang 7-2 na iskor ng Kuyas para itarak ang ika-14 na panalo para mapatatag ang hawak sa top spot sa North division ng 31-team league.
Nagbida si John Wilson, ang most prolific gunner ng Knights para sa 87-78 pero hindi sumusuko ang Kuyas, bumanat si Gwyne Capacio para umalagwa at pigilan ang ika-6 na pagkatalo kontra 9 na panalo habang si Andrew Estrella ay may 13.
Nagwagi rin ang Batangas City Athletics at ang Makati Super Crunch. Pinahiya ng Athletics ang Quezon City Capitals, 105-80, habang dinale ng Super Crunch ang Biñan City Laguna Heroes, 92-87. Sa lakas ng naging laro nina Jhaymo Eguilos at Lester Alvarez, nagpatuloy ang init ng Athletics para itarak ang 9h win sa South division ng 31-team field.





Comments