Mag-dyowang magkakatuluyam pa rin kahit tutol ang parents ng girl
- Maestro Honorio Ong
- Sep 26, 2019
- 2 min read
Dear Maestro, May boyfriend ako at nasa tamang edad na kami para magpakasal, ngunit, hindi siya gusto ng mga magulang ko kaya balak naming magtanan. Kaya lang, baka bigla akong mabuntis. Para sa akin, mabuting magpakasal nang hindi pa nabubuntis para mapaghandaan namin ang future ng magiging pamilya namin.
Gusto kong malaman kung kami na kaya ang magkakatuluyan at kung kami na nga, magiging successful kaya ang itatayo naming pamilya? May 17, 1991 ang birthday ko at January 7, 1990 naman ang boyfriend ko. Umaasa, Ms. Taurus ng San Esteban, Macabebe, Pampanga
Dear Ms. Taurus, Puwede na kayong magsama dahil nasa tamang edad na kayo, lalo na kung nagmamahalan kayo at may stable na career. Gayundin, hindi na dapat kayo pangunahan ng inyong mga magulang dahil may sarili na kayong responsibilidad at desisyon sa buhay.
Sa kabilang banda, dapat mong ikonsidera ang mga dahilan kung bakit hindi gusto ng iyong mga magulang ang BF mo. Baka naman may masamang bisyo, ibang babae o hindi maganda ang ugali ng BF mo? Dapat mo itong ikonsidera dahil ang mga magulang ay mahilig magpaalala para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.
Kung hindi naman katanggap-tanggap ang dahilan ng mga magulang mo at tinututulan nila ang inyong pag-iibigan, tulad ng nasabi na, sa terminong legalidad at moralidad, wala silang magagawa kung matino at mabuting tao ang boyfriend mo at idagdag pang wagas at tapat kayong nagmamahalan.
Ayon sa birth date mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) at 7 naman ang birth date ng iyong boyfriend, sa zodiac sign mong Taurus at Capricorn naman ang boyfriend mo, compatible kayo upang magsama, habambuhay, dahil ang strong number mong 8 ay saktung-sakto kung isasama sa weak number na 7 ng boyfriend mo.
Sa Western Astrology, ang zodiac sign mong Taurus at Capricorn naman ang boyfriend mo ay kapwa tugma sa isa’t isa dahil pareho kayong nagtataglay ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, tumutol man ang mga magulang mo, wala silang magagawa kapag gusto n’yo nang magpakasal.
Kung magpapakasal na kayo, itapat n’yo ito sa buwan ng Mayo, Setyembre, Oktubre at Nobyembre ng kasalukuyang taon hanggang 2020 at itapat ang petsa ng araw ng kasal sa mga petsa na pabor sa inyo tulad ng 1, 10, 19, 28, 7,16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23, higit lalo kung sa nasabing mga petsa ay natapat sa pagbilog ng buwan upang tulad ng papabulas na liwanag ng buwan, maging malaki rin ang ligaya at pag-unlad ng inyong kabuhayan habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan.




Comments