Bigtime oil price hike, hindi makatarungan!

Nagpaparamdam na ang ‘domino-effect’ kaugnay ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Kasunod ng P2.35 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa diesel at P1.75 sa kerosene, humihirit na ng taas-pasahe ang ilang jeepney drivers.
Nananawagan sila na mula sa kasalukuyang P9, gawin nang P15 ang pasahe dahil sa bigtime oil price hike.
Habang may ibang drayber na daraanin na lang umano sa doble-sipag ang pamamasada para maihabol ang kita sa gastos.
Samantala, kasabay ng pag-aray ng mga drayber, kinukuwestiyon din ang umano’y hindi makatarungang pagtaas.
Matatandaang, tiniyak ng gobyerno na may 30-day inventory ang oil refineries.
Nangangahulugan itong nabili na ang stocks bago pa ang nangyaring pag-atake sa oil industry ng Aramco sa Saudi Arabia. Kaya hindi dapat apektado ang presyuhan sa Pilipinas. ‘Yan ay kung mahigpit ang implementasyon nito.
Uulitin natin, hindi pa dapat magpatupad ng pagtataas ang mga kumpanya dahil dapat ibase pa ang presyo sa mga buffer stock.
Kung ano ang nangyari, ‘yan ang dapat ipaliwanag ng gobyerno sa publiko.





Comments