Bawi-bawi rin, weder-weder lang ‘yan... Dapat gawin ng mga negosyanteng nalugi noon ghost month
- Sr. Socrates Magnus II
- Sep 25, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang kaalaman na nakalakip sa September Equinox.
Noong ika-23 ng Setyembre, nagsimula ang mga araw kung kailan mas mahaba na ang gabi o night time na tinatawag na Autumnal Equinox at kilala rin sa tawag na September Equinox.
Tulad ng naibahagi natin sa nakaraang isyu, ngayon ang panahon kung saan ang mga negosyo na nahirapan noong Agosto o Ghost Month ay nagsisimula nang gumanda.
Narito ang ilang kaalaman para mapakinabangan ng mga may negosyo ang September Equinox:
1. Pitong araw mula Setyembre 23, pinapayuhan ang mga nalugi noong nakaraang buwan na mag-alay ng masasarap na pagkain at ilagay sa mga altar sa bahay.
2. Kung may grotto sa bakuran, mag-alay din doon.
3. Para sa mga negosyanteng hindi relihiyoso o walang altar at grotto, sila ay pinapayuhang mag-alay ng masasarap na pagkain o napapanahong mga prutas sa garden. Kung walang organisadong hardin, puwede rin kung saan may mga halaman.
4. Kung walang mga halaman sa bahay, inirerekomenda na bumili ng mga bulaklak o halaman bilang pandekorasyon at doon itabi ang mga alay.
5. Maaalala na si Lord Jesus Christ ay nanalangin sa isang hardin at sa tindi ng kanyang pag-aalay ng dasal sa Diyos Ama ay tumulo ang kanyang pawis at dugo.
6. Ito ang patunay na minsan ay mas magandang mag-alay ng mga panalangin sa hardin.
7. Kaya bukod sa mga panalangin na kumikilala sa kadakilaan ni God, ang masasarap na pagkain ay iniaalay din.
8. Ang ganitong katotohanan ay makikita na si God mismo ang nagsasabi na Siya ay hainan ng masasarap na pagkain. Ito ay mababasa sa Matandang Tipan o sa Bible ng mga Hebrio.
9. Dahil alay ang ating pinag-usapan, kung hindi naniniwala sa mga relihiyon ang negosyante, siya ay pinapayuhan na gumawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Ang kabutihang gagawin niya ay ang alay na “The All Powerful One”, na sa Latin ay “Omnipotente”.
10. Muli, sa loob ng pitong araw mula September 23, kailangang magawa ng mga negosyante ang mga nasa itaas para umunlad ang kanilang negosyo. Good luck and God bless.




Comments