Babaeng ligawin ng mayayaman at rich din ang mapapangasawa
- Maestro Honorio Ong
- Sep 25, 2019
- 2 min read

Katanungan
Paano malalaman kung mayaman ang mapapangasawa ng isang tao? May nanliligaw sa akin na mayaman.
Itatanong ko sana kung siya na kaya ang mapapangasawa ko kahit pansin ko na hindi siya seryoso?
Kasagutan
Sa Numerology, kapag ang birth date ng babae ay 5, 14 at 23, lalo na kung August 23 at October 14, sila ang karaniwang nakakapangasawa ng mayaman.
Makukumpirma ito kung ang maanda o tuwid na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay sinabayan ng tuwid at maganda ring Guhit ng Lalaki o Influence Line na tinatawag ding Guhit ng Magaling o Guhit ng Mayamang Lalaki (Drawing A. at B. I-I arrow b.) at nagkataon pang tuwid ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ng nasabing babae, siguradong siya ay makapag-aasawa ng mayaman. Tulad ito ng nakikita sa iyong mga palad na nagtataglay ng tuwid na Fate Line (arrow a.) na sinabayan ng Guhit ng Lalaki (arrow b.) at sa bandang huli ay tuluyang nag-isang guhit ang Fate Line at Guhit ng Lalaki (arrow c.) na dumiretso sa Bundok ng Tagumpay o sa Bundok ng Saturno (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kahit hindi masyadong seryoso ang manliligaw mo, magiging lapitin ka ng mga lalaking mayaman hanggang sa dumating ang pagkakataon na hindi mo inaasahan kung saan magiging boyfriend mo ang isa sa kanila at tuluyang mapapangasawa at makakasama, habambuhay.
Dapat gawin
Kaya, Leah, seryosohin ka man o hindi ng kasalukuyan mong manliligaw, wala kang dapat panghinayangan kung hindi itutuloy ang panliligaw sa iyo sapagkat tulad ng naipaliwanag na, tiyak na magaganap ang nakatakda at ito ay mangyayari sa susunod na mga taong 2020 o 2021, sa edad mong 32 pataas, makapag-aasawa ka ng lalaking mayaman at ang pag-aasawang ito ang siya na ring ikayayaman mo at ng inyong pamilya, habambuhay (Drawing A. at B. H-H arrow e.).




Comments