top of page

Babaeng biglang darami ang kaibigan kapag sinuwerte

  • Socrates Magnus
  • Sep 25, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Gracel ng Alvarez@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nakau­sap ko raw ‘yung asawa ng pinsan ko tapos sabi niya, mahigit isang buwan na raw siyang buntis pero sa totoong buhay ay hindi na­man siya buntis.

Sinabi rin niya sa pa­naginip na wala raw paki­alam sa kanya ‘yung asawa niya at nagulat ako dahil ang alam ko ay mahal na mahal siya nu’ng lalaking ‘yun.

Naghihintay,

Gracel

Sa iyo Gracel,

Kumusta ka na, mala­mang, ang sagot mo ay “okay lang”? Tayong mga Pinoy ay madalas sumagot na okay lang kapag kinukumusta. Pero ang totoo, pilit nating inililihim ang hindi magan­dang sitwasyon. Sabi nga, mas madaling ilihim ang nararanasan kaysa sa ibahagi pa sa kapwa.

Hindi ko na kukumus­tahin ang asawa ng pinsan mo na napanaginipan mo dahil ayon sa iyo, wala na­man silang problema bilang mag-asawa.

Muli, kumusta ka? Gus­to kong ipaabot sa iyo ang katotohanan sa likod ng mga panaginip mo na nagsasabing kung ano o sino ang napana­ginipan, ito o siya mismo ay simbolo ng nanaginip. Kum­baga, ikaw at ang asawa ng pinsan mo sa iyong panagi­nip ay iisa.

Ito rin ay nagsasabing ma­aaring mahal ka ng asawa mo pero hindi katumbas ng pagmamahal ng pinsan mo sa kanyang asawa. Ibig sa­bihin, ang iyong love life ay hindi kasing-sweet ng love life ng pinsan mo.

Hindi man gaanong ka­gandahan ang kahulugan ng panaginip mo sa biglang ti­ngin, mayroon pa ring ma­gan­dang balita. Kumbaga, may masuwerteng balita para sa iyo na nagsasabing, duma­ting na ang takdang pa­nahon para sa iyo kung saan gagan­da ang personal life mo.

Ang personal life ng tao ay sa kanya lang at hindi sa ibang tao. Gayunman, kapag sinusuwerte ang tao, duma­rami ang kanyang mga kaibi­gan at ang mga hindi nagpa­pa­kita sa kanya ng maganda ay biglang lalapit sa kanya.

Kumusta ka? Kung hindi ka okay ngayon, huwag kang mag-aala dahil muli, ka­pag sinusuwerte ang tao, pinaki­kitaan siya ng maganda ng mga nakapaligid sa kanya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page