top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tondo, pauunlarin sa pagpasok ng bigtime businessman

Isko Moreno
Sep 24, 2019
1 min read

Kamakailan, pormal nang binuksan ang kauna-unahang learning facility at food bank sa Tondo. Ito ay tinaguriang “Better World Tondo” kung saan pinondohan at pinangunahan ito ng ating kaibigan at batang Tondo rin na si Mr. Ramon Ang, President at COO ng San Miguel Corporation (SMC).

Isa ito sa mga programang inilunsad ng San Miguel Corporation bilang tugon sa ating panawagan na tulungan at magnegosyo sila sa Lungsod ng Maynila.

Layunin ng Better World Tondo na matulungan ang mga mahihirap na barangay at bigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng sapat na pagkain at iba pang mga bagay upang mapagbuti nila ang kanilang mga sarili.

Ayon pa kay Mr. Ang, hindi lang dapat food center ang tawag dito kundi educational center at bibigyan ng prayoridad ang kabataan, senior citizens, PWDs at single parents.

Nais din nating pasalamatan ang iba pang partners ng SMC tulad ng Rise Against Hunger-Philippines at AHA! Learning Center sa tulong na kanilang ibinigay.

Malapit sa atin ang proyektong ito dahil naranasan natin ang kumakalam na sikmura habang nasa eskuwela. Isa rin ito sa mga dahilan kaya itinulak natin ang pagbabalik ng nutribun sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila.

Tayo ay patuloy na umaasa sa tulong ng mga negosyanteng tulad ni Mr. Ang at marami pang iba na hindi nakalilimutang lingunin ang mga nangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page