Super insecure raw kay Julia na ipinalit sa kanya ni Gerald... Hirit ng madlang pipol: Bea, panalo n
- Vinia Vivar
- Sep 24, 2019
- 1 min read

Na-bash naman si Bea Alonzo sa kanyang YouTube account na By Bea dahil din sa kanyang video ng preparations for the ABS-CBN Ball.
Inintriga ng mga netizens na sinabayan daw nito ng pag-upload si Julia na may bagong YouTube account at ang first video nga rin niya ay ang preparations niya for the ball.
Si Bea ay matagal nang may YouTube vlog pero naging inactive siya’t ang last upload pa niya ay ang ABS-CBN Ball 2018, 11 months ago.
Parehong araw inilabas ng dalawang aktres last Saturday ang kani-kanilang video. Sabi ng iba, nauna raw si Julia mag-upload.
“Bea, moving forward na ba ‘yan? Eh, mukhang updated kay Julia... gaya-gaya. ‘Wag ka na paloko kay Bea, scam ‘yan. Hahahaha!” komento ng isang netizen.
“Last post was 11 months ago. Now she posted a vlog same day as Julia. You can tell that insecurities are loud. Well, Julia has more views than her,” komento naman ng isa.
“Kailangan ba talagang sabayan mo pa si Julia Barretto sa pag-upload about sa ABS-CBN Ball? We all know na nauna siya. ‘Wag nang makipagpaligsahan pls.? Nasa ‘yo na nga ang simpatya ng mga tao, ‘di ba? Kahit dati rin naman, inagaw mo rin si Gerald kay Kim,” pahayag naman ng isa pang viewer.
Pero marami namang nagtanggol kay Bea at pinagsabihan ang mga bashers na huwag nang pumunta sa vlog kung mamba-bash lang.
“Bea is still recovering. Let her B. You’ll get through this & one day you’ll find no need for petty things,” pagtatanggol ng isa sa kanyang mga supporters.





Comments