top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Reyna raw niya ang gay TV host… Ion, ipinagsigawang gusto nang pakasalan si Vice Ganda

  • Ronalyn Seminiano
  • Sep 24, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Todo-deny si Kuya Escort Ion Perez noong tina­nong siya kung sila na ba ng It’s Show­time host na si Vice Ganda. Ngunit pagka­lipas lang ng ilang araw ay nag-post ito ng mga photos na tila nagpapahiwatig na mayroong namu­muong “something special” sa kanilang dalawa ni Meme Vice.

Katulad na lamang ng mirror selfie ni­lang dalawa ng Unkabogable Star na pareho ang suot na damit at magkayakap sa gym. Ang mukha ni Ion ay pinatungan ng “king emoji” habang ang mukha naman ni Vice ay “queen emoji” ang nakalagay at ang caption pa ni Ion ay: “Aking reyna.”

Nasundan ito ng post ni Ion ng tila pare­hong photo pero imbes na queen at king emoji ang nakatakip sa mukha nila ni Vice ay isang ma­laking “kissing” photo na para bang nagsa-suggest si Kuya Escort na mag-kiss silang dalawa.

Sumunod naman ay ang photo ni Vice na ipi­nost ni Ion noong ABS-CBN Ball na kahit hindi siya kasama ng Un­kabogable Star sa pag­rampa ay full support naman siya.

Kamakailan lamang ay nagpakilig ulit sila ng madlang pipol dahil sa emosyonal na pa­litan nilang dalawa ng “I love you” kung saan sabi ng mga viewers at netizens ay ramdam na ramdam daw ang sinseridad ni Ion.

Samantala, noong nakaraang linggo, muli na namang nag-post itong si Kuya Escort na tila nagpapahiwatig na gusto niyang pakasalan ang Unkabogable Star na talaga namang nag-viral sa Instagram.

Though hindi niya diretsahang bi­nanggit ang pangalan ni Vice, marami ang naghihina­lang this is it dahil sa ginamit niyang hashtag na #AKINGREYNA.

Ayon sa post ni Ion, “IKAW ANG GUSTO KONG MAKASAMA HANG­GANG SA (HULING) SANDALI NG AKING HININGA AT KUNG IPINA­NGANAK LANG AKONG MAY KAYA, MALAMANG PINAKASALAN NA KITA #AKINGREYNA

Siguro naman, gets ng lahat kung bakit si Vice ang tila tinutukoy ni Ion dahil sa na­unang clue na nito? Kung hindi ninyo gets, naku, bahala na kayo!

Samantala, nag-post din naman si Vice ng photo nilang dalawa kung saan abot-tenga ang ngiti nila at may caption na: “My Joy.”

Naku, Vice at Ion, umamin na kasi ka­yong dalawa!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page