top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Setyem­bre 24, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 24, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 24, 2019 (Martes): Tiyak ang pagyaman mo kapag nagnegosyo ka, gayundin, kung ikaw ay nagta­tra­baho, tiyak na mapap­a­aga ang pagre-resign mo para sa negosyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magiging ma­bilis ang tak­bo ng mga pang­yayari kaya kung baba­gal-bagal ka, maiiwan ka. Pag-aalinlangan ang pi­na­kamahigpit mong ka­away. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-18-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng isa pang pagkakataon para kumita nang malaki sa iyong negosyo. Talasan mo ang iyong isip at sung­gaban ang mga duma­rating na suwerte. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-32-36-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, ipinag­ka­loob sa iyo ang prebile­hiyo na hawak mo ang kapala­ran mo. Sa pagkakataong ito, gamitin mo ito nang ma­ayos. Hindi ka dapat muling mabigo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-27-29-30-38.

CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka makikinabang, doon ka. Hin­di dapat muling maghari sa iyo ang emosyon. Ang totoo, ang damdamin ay sagabal sa pag-asenso ng tao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-25-38-43-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Da­rami ang mag­kakainteres sa iyo. May desi­dido pero, mas marami ang magtatangkang ma­ku­ha ka dahil sa sitwas­yon mo. Manahimik ka muna at ipagpaliban ang pagpapasya. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-12-29-36-38-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang mailap, nasa kanya ang ka­­tangian na bagay sa iyo. Kaya ang payo para sa iyo ay maghintay ka. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-26-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malalaman mo ngayon ang isang hiwaga sa buhay ng tao na naka­sa­kay sa bulaklak na bago lumabas ang tunay na ba­ngo ay kailangan munang masaktan at masugatan. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-9-18-22-25-36-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga tuk­so. Nagbaban­ta ang mga ito na sisirain ang buhay mo. Hindi sila ma­hirap tukuyin dahil alam mo kung ano ang tunay na motibo ng sinumang luma­lapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-17-20-25-27-35-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mumun­ting patak ng tubig ang bu­muo sa dagat, ganundin ang bundok na mula sa mu­mun­ting mga alikabok. Mag-ipon ka, ito ang tunay na sikreto ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-14-28-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pasasa­yahin ka ng langit at susu­wertehin ka. Biglaan ang dating ng magagandang kapalaran sa iyo. Sa sor­presa nagmumula ang tu­nay na saya. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-29-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag nata­ngay ka ng pagkakataon. Ito ay senyales na kumi­kilos ang iyong kapalaran para sa iyong kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-15-21-25-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Didikitan ka ng tao na ma­pagkukunan mo ng pakinabang. Hindi nila mamamalayan na ku­sang lumilipat sa iyo ang suwerteng nasa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-20-24-33-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page