'Di lang daw isa, marami pa… Derrick, umaming enjoy na enjoy sa piling ng bading

Hindi allergic sa mga gays ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio. Marami siyang kaibigang gays sa showbiz at hindi naman siya dumidistansiya sa mga ito. In fact, magaan ang loob niya sa mga gays at masaya raw kasama ang mga ito kaya hindi big deal kung ipareha at maging love interest siya ni Super Tekla sa pelikulang Kiko En Lala.
Suporta na raw niya ito sa kapwa Kapuso artist na si Super Tekla lalo na’t launching movie nito ang Kiko En Lala na produced ng GMA Pictures at Backyard Productions.
Comedy film naman ito at walang makitang malisya si Derrick sa mga eksena nila ni Super Tekla. Sila ni Kim Domingo ang nagbigay ng malakas na suporta kay Tekla.
Samantala, ngayon gaganapin ang premiere night ng pelikulang Kiko En Lala sa SM Megamall. Inaasahan ang pagdalo ng buong cast ng movie, ganu’n din ang pagsuporta ng kapwa Kapuso artists ni Super Tekla. For sure, hindi mawawala ang mga BFF niyang sina Boobay at Donita Nose.
May inihandang “pakulo” ang Kiko En Lala sa mga manonood ng premiere night. May special prize raw sa mga darating na gagaya sa kanyang ayos bilang si Super Tekla kaya may paanyaya siya sa mga gay impersonators na dumalo.





Comments