Cone, pang-SEAG lang ang pag-coach sa Gilas

Pormal na tinanggap ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang alok na mag-coach sa Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin ngayong taon sa bansa. Mismong si Cone ang nagkumpirma ng balita sa isang text message kahapon.
Masaya si Cone sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na maging head coach ng national team para sa SEA Games na ang ating bansa ang host.
“Even though my appointment is just a stop gap measure and a short term commitment, I am incredibly honored and proud to be selected to coach in the SEA Games. Wow! I’m very happy to help in any way,” saad ni Cone.
Ayon kay Cone, patuloy siyang makikipag-usap sa SBP upang masimulan na ang mga plano para sa paghahanda sa SEA Games na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Plano rin niyang pangalanan ang mga miyembro sa Gilas pool para sa SEA Games sa pagtatapos ng linggong ito.
“I will sit down with the SBP over the next couple of days and come up with a plan of attack in terms of preparation, and we’re hoping by the end of the week we’ll have a pool of players working together at full force. I’m extremely excited to get going,” wika ni Cone.
Sa isang panayam ng mga mamahayag kay Cone noong Linggo ng gabi ay alam niyang para lamang sa SEA Games ang alok at wala siyang plano sa ngayon na mag-coach sa Gilas pagkatapos ng SEA Games.
Ayon kay Cone ay magbubuo ng search committee ang SBP para sa paghahanap ng coach sa 2023 FIBA Basketball World Cup.
“I understand that fully and this will give me time coaching the team, and that will give them time to put their search committee together and find the guy they really want to coach in 2023,” wika ni Cone.





Comments