top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PMA, tameme sa hirit ni P-Digong na siya ang nagpa-ambush kay Mayor Loot

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2019
2 min read

PMA CLASS ‘82, HINDI NAGALIT SA PAG-AMBUSH KAY MAYOR LOOT?—Ikinagalit noon ng Philippine Military Academy Class ‘82 Association, Inc. ang naganap na ambush at pagkakasugat kay ret. police gen. at dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at sa pamilya nito noong May 15, 2018.

Pero, nang sabihin ni P-Duterte noong Sept. 18, 2019 na siya ang nagpa-ambush kay Mayor Loot, walang imik o hindi naman nagalit ang mga miyembro ng PMA Class ‘82, boom!

◘◘◘

SABLAY NA MUNGKAHI NI CONG. ERICE—Iminungkahi ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na para raw maibsan ang problema sa daloy ng trapiko, dapat i-ban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga ang mga pribadong sasakyan sa EDSA.

Hay, naku, kaya maraming nagagalit sa mga dilawang pulitiko kasi kapag nagbigay sila ng suhestiyon, palaging palpak, buwisit!

◘◘◘

SA LOOB NG KULUNGAN, BUSOG ANG MGA PRESO, PERO KAPAG NAKALAYA NA SILA, MALAMANG, MAGUTOM NA SILA—Kung totoong sumobra ang bilang ng mga presong sumuko na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, siguro, mas ginusto talaga ng mga preso na makulong na lang ulit kaysa lumaya.

Sa labas kasi ng piitan, mahihirapan silang makahanap ng trabaho kaya pahirapan din ang pagkain, samantalang sa kulungan, palagi silang busog kasi libre ang tsibog, boom!

◘◘◘

JUETENG LORD “AREZA”, HINDI TAKOT KAY P-DU­TER­TE? —Hindi pa rin daw tumitigil ang operasyon ng raket na jueteng ni “Areza” sa buong Cavite.

Tila walang takot kay P-Duterte ang gambling lord na si “Areza” kasi ang gusto ng pangulo ay STL ang i-operate sa mga lalawigan para ang kikitain dito ay makatulong sa pang-medikal ng mahihirap na mamamayan, pero ang in-operate ni Areza sa Cavite ay raket na jueteng, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page