top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Magtatagumpay sa career at business dahil sa tulong ng BF na seaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2019
2 min read

Katanungan

  1. Maestro, gusto ko sanang malaman ang aking kapalaran sa aspetong pag-ibig. May BF akong seaman at nasa ibang bansa. Totoo kaya na wala siyang ibang babae at kami na kaya ang magka­katuluyan?

  2. Kung sa­­kaling kami ang nagkatulu­yan, magiging magkasama ba kami, ha­bamb­uhay?

  3. Maka­pag-a-abroad ba ako at kung oo, magiging maayos kaya ang income at kinabukasan ko at ng mga anak ko? September 14, 1987 ang birthday ko.

Kasagutan

  1. Kapansin-pansin ang magandang pagsabay at ganap na pagsama at pagpatong ng Guhit ng Lalaki na tinatawag ding Influence Line (Drawing A. at B. I-I arrow a.) sa matayog at lalo pang kumapal na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) na maluwal­hating nakarating sa Bundok ng Tagumpay o Mount of Saturn (arrow c.) ng nasabing matayog at napakalinaw na Fate Line (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na dahil sa tulong ng lalaki, kung dati nang maganda ang iyong career, lalo pa itong gaganda habang ang lalaking tumu­tulong at umaagapay sa iyo ay nananatili sa iyong buhay.

  2. Ibig sabihin, kung ang kasalukuyan mong boyfriend na tumutulong sa iyong mga panga­nga­ilangan ay siguradong siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay na madaling kinumpirma ng kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kahit nasa abroad ang boyfriend mo, malaki ang pag-asang darating ang araw na magkakasama kayo at mamumuhay nang maunlad.

  3. Ito rin ang sagot sa ikalawang tanong mo kung makapag-a-abroad ka kung saan nakita rin ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, darating ang panahon sa iyong kara­nasan na may ma­bunga at mabiyayang pangingibang-bansang maga­ganap sa iyong kapalaran.

Mga Dapat Gawin

  1. Ayon sa iyong mga datos, Melissa, tulad ng nasabi na, sadyang napakaganda ng iyong kapalaran pagdating sa career at pagnenegosyo, habang ang tangi mong iingatan ay ang iyong kalusu­gan.

  2. Sa sandaling napa­natili mong malusog at ma­sigla ang iyong panganga­tawan, tiyak ang magaga­nap ngayong taon at sa edad mong 32 pataas, walang kaduda-duda, isa-isa nang matutupad ang lahat ng magaganda at maluluho mong pangarap sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page