top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kung marurupok sila, baka maghiwalay din… Morenang aktres, sobrang selosa, todo-bantay sa playboy na

  • Erlida Rapadas
  • Sep 23, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Lihim na lihim ang relasyon ng isang morenang young actress at tisoy na young actor. Itinatago nila ito sa publiko dahil si young actress ay may ka-love team na ibang young actor at lagi silang pinagsasama sa mga serye ng network. Sila ang gusto ng mga fans kaya hindi sila puwedeng maghiwalay.

Si tisoy na young actor naman ay kabe-break lang sa dating ka-love team na young actress. Sobrang in love ang morenang young actress sa tisoy na young actor na may pagka-playboy. Numero-unong selosa si young actress kaya lagi itong nakasunod/nakabuntot sa boyfriend. Kahit saan pumunta ang tisoy na young actor, gusto niyang kasama siya.

May isang beauty pageant event na dina­luhan ng tisoy na aktor pero hindi invited si young actress. Selos to the max siya at pinilit pa ring sumama sa BF. Ang siste, hindi siya puwedeng magpakita dahil mabu­buking ang kanilang relasyon kaya nagtiis na lang si young actress na mag-stay sa kotse ni young actor at doon na lang naghintay hanggang sa matapos ang event ng beauty pageant.

Well, baka sa kaseselos at kababantay ni young actress, masakal ang BF niya at tuluyan na siyang iwan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page