top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyem­bre 23, 2019 (Lunes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 23, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 23, 2019 (Lunes): Kaya mong payamanin ang iyong sarili. Mangya­yari ito kahit hindi ka umasa sa iba na ang ibig sabihin ay sapat ang kaka­yahan mo para mapaunlad ang sarili mong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong bigyan ng ha­laga ang mga kumokontra sa iyo. Isipin mo na sila ay mga asong kahol lang nang kahol. Huwag mong sayangin ang mahahala­gang oras para lang sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-20-23-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Akala mo ay masikip ang mundo mo. Akala mo ay hindi umuusad ang iyong kapa­laran. Marami kang ma­ling akala dahil ang totoo, kumukuha lang ng mala­kas na buwelo ang mga suwerte mo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-25-37-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Bakit ka­ya parang nag­labasan ang mga kontra­bida sa buhay mo? Ang tagong dahilan ay nasasa­gap nila na iiwanan mo sila nang milya-milya. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-21-24-34.

CANCER (June 21-July 22) - Sinasak­tan ka ng kap­wa mo, sasaktan mo pa ang sarili mo. Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Piliin mo ang mabu­hay nang may positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-25-36-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ga­ni­to ka da­pat mabuhay— ka­a­waan mo ang iyong mga kaaway, umapi at nagbigay sa iyo ng sama ng loob. Kapag may awa sa puso mo, hahanga sa iyo ang nasa itaas. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-28-33-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang hirap na hindi mo kakayanin. Kaya kahit su­bukan ka ng pagka­ka­taon, ikaw ang mananalo. Ito ang lihim ng buhay mo gayundin, ang lihim ng iyong pagpapa­yaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-20-25-38-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka makikinabang, doon ka. Ang tao ay nabu­buhay para sa kanyang kinabukasan at hindi para sa kanyang kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-13-18-23-24-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hanapin mo ang mag­bi­­bigay sa iyo ng ligaya. Ha­napin mo ang puwe­deng panggalingan ng iyong saya. Ito ang susi para magsidapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-28-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahihira­pan ka ba sa iyong mga kasamahan? Malamang, oo ang sagot mo pero sila ay nahihira­pan din sa iyo. Buksan mo ang pintuan ng pagbibi­gayan at pagka­kaunawaan. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-22-24-30-32.

CAPRI­CORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan luluwag ang kalooban mo, roon ka mamalagi. Kung saan giginhawa ang iyong pakiramdam, doon ka muna manira­han. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-13-16-25-29-34-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maulap ang langit sa mga araw na ito pero ang kapalaran mo ay magliliwanag. Ibig sabihin, tanaw na tanaw mo ang magan­dang bukas para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-26-27-30-34-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtapon ka at magkakaroon ka. Kapag nawalan ka, mas gaganda ang buhay mo. Sino ang itatapon at aalisin mo sa iyong buhay? Sino pa nga ba kundi ang nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-21-27-36-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page