top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bagwis ni Kouame ng Blue Eagles, pinalasap sa NU sa 1st round

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2019
1 min read

Photo: ESPN5

Humakbang palapit tungo sa first round sweep ang defending champion Ateneo de Manila matapos pasadsarin ang National University, 71-50 kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Literal na dinomina ng Blue Eagles ang Bulldogs mula umpisa hanggang matapos ang laro upang maangkin ang ika-5 na sunod nilang tagumpay.

Simula pa lang ay mainit na si Ivorian slotman Angelo Kouame na siyang namuno sa pananalasa ng Blue Eagles makaraang iposte ang 11 sa kanyang kabuuang 15 puntos sa first half na sinamahan pa ng 13 rebounds, 7 blocks, 3 assists at 2 steals.

Mula sa 20-11 na bentahe sa first quarter, lalo pang lumayo ang Blue Eagles sa halftime, 41-24.

Mula roon, hindi man lang nakadikit ni minsan ang Bulldogs na bumagsak at mas nabaon pang lalo sa buntot ng standings taglay ang kabaligtarang marka ng Blue Eagles na 0-5.

Kasunod ni Kouame, tumapos na may 13 puntos si Gian Mamuyac at 8 puntos si Thirdy Ravena para sa Blue Eagles.

Nag-iisang tumapos na may double digit para sa Bulldogs si Dave Ildefonso na may 10 puntos.

Nag-a-average ng hanggang 19 puntos sa mga nauna nilang laro, nahirapan ng husto sa depensang ginawa sa kanya ng Ateneo si Ildefonso na nagtala ng 2 of 9 shooting sa field bukod pa sa 7 errors. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page