top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

1st Leg Juvenile fillies

Ding Taboy
Sep 23, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Nakatakdang bitawan sa Okt. 6 ang 2019 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Paglalabanan ng mga 2 year old na babae (fillies) at lalaki (colts) ang karera. May nakalaang P1,000,000 na papremyo na ibibigay sa mangungunang kabayo ng P600,000 sa unang premyo habang tatanggap ng P225,000 ang tatanghaling 2nd place, may P125,000 ang 3rd place habang may P50,000 ang 4th place. May P30,000 bilang breeder ang mananalong kabayo.

Samantala, hahataw ang 2019 Philracom 4 Year Old and Above Local Stakes Race sa Okt. 13 sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. May papremyo na P300,000 ang magkakampeon, may P112,500 ang 2nd place, may P62,500 ang 3rd place at may P25,000 ang 4th place. May 15,000 ang breeder ng mananalong kabayo.

Magkakaharap sa Set. 25 ang mga piling kabayo sa Philracom Special Race-no bearing-no effect sa Saddle and Clubs Leisure Park Naic, Cavite. Maglalaban sa group 1 ang siyam na kabayo, sa group 3 maglalaban ang 20 kabayo, habang sa group 4 ay paglalabanan ng 27. Sa group 5 ay lalahukan ng 23 kabayo at group 6 maghaharap ang 15 mananakbo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page