top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Wanted na killer nasakote

Pabs Hernandez III
Sep 22, 2019
1 min read

Lanao Del Sur—Naaresto ng pulisya ang wanted na killer kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Wawalayan Caloocan, Marawi City.

Kinilala ang suspek na si Dailanie Amir, pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.

Nabatid na dinakip ng pulisya si Amir sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa naturang lalawigan.

Ayon sa pulisya, anim na taong nagtago si Amir at kamakalawa lang nila natiyempuhang dakpin.

Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin sa kanyang hideout.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page