Jinkee, ibinebenta na ang mga mamahaling damit, sapatos at bags
- BULGAR

- Sep 21, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Binebenta ni Jinkee Pacquiao, misis ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ang mga pre-loved designer items niya for a good cause na nagsimula noong Sept. 20 hanggang bukas (Sept. 22) sa Marriott Hotel, Clark, Pampanga.
Ayon sa collector ng designer bags, shoes at clothes na si Jinkee, ilalaan niya ang ilang bahagi ng kikitain para sa charity nila ni Manny na Emmanuel and Jinkee Pacquiao Heart Foundation, Inc. at ang iba ay ido-donate nila sa ilang paaralan sa Kidapawan City, South Cotabato.
Sa Instagram account ni Jinkee, sinabi niyang “SAVE THE DATE: Sept. 20-22, Friday to Sunday at Marriott Hotel, Clark, Pampanga.
A sale of my pre-loved items for a charitable cause. “Only first 150 registrants will be accommodated,” dagdag pa niya.
Ilan sa mga makikitang ipinost niya sa IG ay ang bongga, magagara at talaga namang pangmayamang brand ng sapatos na katulad ng Christian Louboutin, Jimmy Choo at Yves Saint Laurent.
Paalala sa mga gustong bumili, size 6 si Jinkee.





Comments