Horoscope | Setyembre 21, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Sep 21, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 21, 2019 (Sabado): Patuloy kang pagpapalain ng langit dahil sa kabutihang loob mo sa kapwa mo kung saan hindi ka naghihintay ng kapalit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang tatalunin ng iyong damdamin. Hindi dahil ikaw ay mahina kundi dahil ngayon ay kailangan mong tumulong sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-24-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang umiwas sa mga palahingi kahit marami sa kanila ay hindi marunong magpasalamat. Isang banal na gawain ang magkaloob ng tulong sa nangangailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto--19-22-25-30-35-42.
GEMINI (May21-June 20) - Huminto ka muna sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Sa mga araw na ito, aasikasuhin mo ang kapakanan ng mga malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-22-25-36-37.
C A N C E R(June 21-July22) - Anuman ang gawin mo, magbubunga ito ng magagandang kapalaran para sa iyo. Ikaw ay espesyal sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay violet. Tips sa lotto-4-16-18-20-21-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Paulit-ulit ka na parang hindi nadadala kung saan muli kang maaawa sa hindi mga dapat kaawaan. Kahit alam mong mali, pagbibigyan mo pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-27-30-38-40-42-43.
VIRGO (Aug.23-Sept. 22) - Kapag nadaya ka, huwag kang malungkot at magalit, sa halip, lihim kang matuwa dahil ang kondisyon bago mapa saiyo ang malaking suwerte ay ang ikaw ay maisahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-31-36-38.
LIBRA (Sept.23-Oct. 22) - Higpitan mo ang hawak mo sa iyong sarili. Mahina ka ngayon na ang ibig sabihin ay puwede kang mapa oo sa ayaw mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-22-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov.21) - Dagdag suwerte ang mapasasaiyo. Ibig sabihin, hindi lang isang beses kang bubuwenasin. Ihanda mo ang iyong sarili sa kambal na magagandang kapalaran na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-19-29-39-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec.21) - Umiwas ka sa mga mandaraya, lalo na sa larangan ng pag ibig. Marami ang nag-aabang na ikaw ay maisahan. Asikasuhin mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-8-11-15-16-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan.19) - Ikaw ay madalas na nagpapakita ng kabaitan pero ngayon, langit ang magpapakita sa iyo ng kabaitan bilang premyo mo sa mga kabutihang ginawa mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-25-27-38-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb.18) - Mabilis kang nakatatakas sa kabiguan dahil walang sinumang puwedeng umalipin sa iyo nang matagal. Ang sinumang magtangka ay siyang masasaktan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay purple. Tips sa lotto-4-17-21-23-30-35.
PISCES (Feb.19-Mar. 20) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran ngayon. Ang tagumpay at kabiguan mo ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-25-36-44.




Comments