top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dyip, buwenamano sa panalo

ATD
Sep 21, 2019
1 min read

Nasilo ng Columbian Dyip ng unang panalo matapos sagasaan ang Alaska Aces, 117-110 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nangalabaw si import Khapri Alston ng 38 points at 22 rebounds upang akayin sa panalo ang Dyip habang kuminang din si super rookie CJ Perez ng 28 puntos at 13 boards.

Maagang nagpakitanggilas ang Dyip nang hawakan nila ang 10-point lead, 21-11 may 3:54 minuto pa sa first canto.

Umabot pa sa 12 ang inabante ng Columbian pero hindi nataranta ang Aces, gumapang sila sa second quarter upang itabla ang iskor sa 56-all sa halftime.

Namuno sa opensa para sa Columbian sa unang dalawang periods si Alston na may 15 points at 11 rebounds habang tig-walo agad ang inambag nina Perez at Rashawn McCarthy.

Humarurot agad ng 6-0 run ang Dyip sa pagbubukas ng third para makalamang ng anim, 62-56.

Nanatili ang pananagasa ng Columbian kaya nasa ibabaw sila papasok ng 4th quarter, 93-81.

Hindi nagpabaya ang Columbian sa payoff period kaya hindi na nakahabol ang Aces.

Namuno sa opensa para sa Alaska si reinforcement Justin Watts na may 40 points at 14 rebounds.

Samantala, makikilatis ngayong araw ang apat na teams pagsalpok nila sa Day 2 ng PBA na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Magkakaldagan sa 4:30 p.m. ang Phoenix Pulse at NLEX Road Warriors habang magkatapat ang Meralco Bolts at Magnolia sa 6:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page