top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

BFF ng aktor, alam na alam daw ang nangyayari.. Young JV, kumanta kung bakit kumalat na pinagsabay n

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2019
  • 3 min read

Pinaninindigan ni Young JV na hindi pinagsabay ng kaibigan niyang si Gerald Anderson sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Hindi raw nag-ghosting si Gerald.

“Wala pong overlapping,” diin ni Young JV.

“Hindi ko nga po alam bakit may ganyang isyu.

Nagulat na langpo kami na may ganyang isyu sa kanya.

But for me po....basta, he’s in love.

Sa kanya po ‘yung… personal choice na po ni Gerald.

Hindi ko alam kung bakit na bo-bombardsiya sa mga isyu.

Sana nga po, knowing both sides naman, sana po, let’s respect them.”

Nakiusap din si Young JV na tigilan nang mga bashers sa social media si Gerald, maging si Julia.

“Sana, maging peaceful na lahat. Kasisa tooo lang, walang ghosting na nangyari,” pahayag ni Young JV sa media launch niya bilang celebrity endorser ng FASCLEAN Extra Power Detergent Powder with fabric conditioner in Sampaguita and Lavender scents.

Bilang matalik na kaibigan ni Gerald, may alam daw si Young JV sa nangyayaring isyu sa aktor at sa ex-girlfriend nitong si Bea, pati na kay Julia.

“Uh, for me, feeling ko, panira lang talaga ‘yun sa kanya.

Feeling ko, everything na, and I feel like… they shouldn’t do that.”

Tinanong si Young JV kung up to now ay affected pa rin si Gerald ng mga namba-bash sa kanya.

“Well, kapag kasama ko siya, palagi siyang masaya.

Basta nandoon kami for him. We’ll always be on his side lang.”

Sa nakaraang ABS-CBN Ball ay magkasama raw sila ni Gerald sa isang table, habang nasa kani-kanyang table rin sina Bea at Julia.

“Yes po, magkasama kami sa ball. Magkasama kami all through the night, nag-enjoy lang kami.”

Pinagkuwento rin namin si Young JV sa naging reaksiyon ni Gerald nu’ng tawagin na si Bea bilang winner sa nabanggit na ball.

“We’re ano, I’m happy for Bea. I wish her all the best and I hope everything will die down.”

Naging malapit din si Young JV kay Bea nu’ng sila pa ni Gerald.

“I became close to her. Masasabi na super close kami. Pero si Ate Bea naman has always been generous to everyone.”

Nanghinayang daw si Young JV sa kinasadlakan ng relasyon nina Bea at Gerald.

“He really loves the person so much. Alam ko, eh, kaibigan ko kasi siya. It’s you know, sabi ko sa kanya, ‘Bro, kung anuman ang desisyon mo, we’re all here to support you.’ Sabi namin, ‘Just always think of your happiness,’and alam ko naman na he’s responsible sa mga desisyon niya.”

On the other side, nakita rin daw ni Young JV si Julia sa ball. Pero sila raw nina Gerald ang magkakasama until umalis sila sa party.

“Oo, kami nasa table lang kami (nina Gerald) habang kumakain kami. We’re doing our business. Sa sulok nga kami, eh.”Kung walang nangyaring ghosting para kay Young JV, bakit iba yata ang sinabi ni Bea? “Opo (magkaiba sila ng statement).

Well for me, I stand for where my friend is, and alam ko po talaga kung saan siya nanggagaling.

For me, wala po talagang nangyaring ghosting,” diin pa niya.

Hindi naman nairita si Young JV nu’ng tinatanong siya about Bea, Gerald and Julia sa launch ng isa na namang Megasoft Hygienic product ni Ms. Aileen Choi Go, ang FASCLEAN.

Lalong ‘di siya nagpi-feeling awkward being the endorser ng isang detergent powder kahit na isa siyang certified na lalaki.

Inamin ni Young JV na naglalaba naman daw talaga siya. Bata pa lang daw ay na-train na siya ng kanyang tatay na heneral na bago siya umalis ng bahay o gumimik, kailangan ay maglaba muna siya ng kanyang mga damit.

“After that, matagal din po ako na hindi naglalaba kasi puro washing machine na ngayon, eh.

Pero ngayon siyempre, nu’ng sinasabi sa akin na may endorsement na Fasclean, try ko nga ulit, para makita ko ‘yung resulta,”

lahad pa ng bagong celebrity endorser ng Megasoft.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page