top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sen. ‘Bato’, tagilid makasuhan kakaba-kaba na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2019
  • 2 min read

PORK BARREL NG MGA CONG., TULOY PA RIN!—Kinum­pirma ni Albay Rep. Joey Salceda na sa binalangkas nilang P4.1 trillion 2020 National Budget, may tig-P100 milyon pang-”pro­jects” daw ang bawat kongresista.

‘Yan ba ang sinasabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na sa kanyang liderato sa Kongreso ay wala nang matatanggap na ‘pork barrel’ ang mga mambabatas?

Hay naku, tila yata hindi “mabubuhay” ang mga kongresista kapag wala silang “pork”, mga buwisit!

◘◘◘

SEN. DELA ROSA, LAGOT KASI BAKA MAKASAMA SA MGA KAKASUHAN NG DOJ — Sa pana­yam kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, sinabi nitong sasam­pahan nila ng kasong administratibo si ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon at hindi lang daw si Faeldon kundi ang lahat daw ng naging director ng BuCor na nagpalaya sa mga kila­bot na preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ay kanila raw kakasuhan.

Dahil sa sinabing ‘yan ni Sec. Guevarra malamang, kakaba-kaba na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kasi dati rin siyang BuCor chief na nagpalaya ng mga kilabot na preso na sangkot sa mga kasong heinous crimes, boom!

◘◘◘

MANDATO NG MMDA TRAFFIC ENFORCERS NA MAGBIGAY NG TIC­KET, HINDI PUMA­TAY NG TAO —Imi­nungkahi ni Marikina City Rep. Bayani Fernando na armasan daw ng itak ang mga MMDA traffic enforcers upang may protek­siyon sila sa paghuli sa mga traffic violators.

Naging MMDA chairman din naman si Cong. Fernando, pero parang hindi niya alam na ang mandato ng mga MMDA traffic enfor­cers ay magbigay ng ticket at hindi para managa at pumatay ng mga traffic violators, period!

◘◘◘

JUETENG PARANG LEGAL NA SA BATAAN, NUEVA ECIJA, TARLAC AT BATAAN — Nagkalat na rin daw ang mga kubrador ng jueteng sa Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Bataan.

Kung ganu’n, parang legal na rin pala ang raket na jueteng sa jurisdiction nina Bulacan PD Col. Chito Bersa­luna, Nueva Ecija PD Col. Leon Victor Ro­sete, Tarlac PD Col. David Poklay at Bataan PD Col. Villamor Tuliao, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page